Mga mamsh, Please enlighten me.

Hello mga mamsh, may tatanong lang po ako. Kahapon checkup ko, 15 weeks and 3 days pregnant. Natural po ba minsan na kapag dinoppler hindi nadidinig o mahirap hanapin ang heartbeat ni baby? Nagparinig naman po sya pero seconds lang tapos wala na po ulit. Nag woworried po kasi ako. Pero sabi naman ni ob may timing daw po ang pag dodoppler. At mejo mabilbil na po talaga ako kaya siguro hirap din po hanapin ang heartbeat ni baby. #pregnancy #worryingmom #pleasehelp #2ndbaby

Mga mamsh, Please enlighten me.
15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ang ginawa ko po noon sa 2nd baby ko ay tinapatan namin ng flashlight ang tummy ko bago tapatan ng doppler. kahit nga po stethoscope nagrespond si baby. kasi po as early as 14 weeks sabi noon nung on duty nurse, nakakasinag na sila ng maliwanag na ilaw gaya ng pagtapat ng flashlight. matubig tiyan ko noon. pero yung 1st baby ko wala talaga di mahanap, yun pala suhi sya. mga 5mos na tummy ko nung narinig heartbeat nya sa doppler. tinapat ng nurse ang doppler sa iba ibang direction at narinig na namin pero bahagya. kaya pina ultrasound nya ako noon at mga 7-8th mos tummy ko pinahilot ko, di na sya suhi. kaso nakapulupot pusod nya sa leeg, thank God healthy sya.

Magbasa pa