Home Treatment/Remedy
Hi mga mamsh! Tanong ko lang po :) Ano po yung best remedy or treatment kapag may ganito aside sa i-elevate yung paa? I'm 35weeks pregnant and ang hirap talaga maglakad dahil neto. Maraming salamat po sa sasagot. Godbless! ❣️
34 weeks and 6 days preggy po. Wala din po akong manas, ang ginagawa ko po. Hndi ako ntutulog sa tanghali kse mlakas mkapag pa manas yung pag tulog. .. yung paa nyo po ibabad nyo sa planggana na my malamig na tubig lgyan ng yelo kung kelangan para mwala yung maga.. tapos mglakad lakad din.. alternate ang pagkain ng kanin sa gabi.
Magbasa paBaka nasosobra ka po da kain ng matamis or carbs? Manganganak na ako pero di ako nagmamanas. Naka monitor kinakain ko, mapadami man di naman sobra. Minsan wala pang 1 cup rice pag nagugutom ako ng wala sa oras milk nalang iniinom ko kase sabi naman ng ob di naman nagugutom si baby sa loob ng tyan dahil maliit palang sikmura nya
Magbasa palakad lakad ka po mamsh sa umaga. Tas iwas po sa pagkain ng karne, pwede naman kumain ng karne pero 'wag madalas at madami. Sabi dati sakin ng OB ko non yun daw po ang nakakapagpamanas hindi po totoo yung magmamanas kaapg tulog ng tulog sa hapon
Baka po may highblood kayo? O kulang sa water? O masyado pong maalat kinakain? Bawasan lang siguro sa maalat po. Tsaka lakad lakad po tlga. Effective ung itaas ang paa pag natutulog gamit ang unan sa paa.
Di ko ka pa nacheck yung BP ko po. But will go to my OB para ma check. Namamanas po ito kapag galing ako kakaupo dahil sa work. 😞Thank you po pala mamsh! This is very helpful. 🙏
Sabi sa akin, lakad lakad daw, ipatong ang mga paa sa unan para elevated. Kaso wala.. manas pa din. Kusa din lang mawawala yan sis pag lumabas si baby. Iwas lang sa maalat na foods.
Momsh monitor your BP also. Marami reasons Kung bakit minamanas Ang buntis. Gnyan ako dati tapos sobrang taas pla ng BP ko. Bwas na sa rice at sweets. In moderation lang dapat Kain.
Sakin mamsh nung buntis ako ipinaiwas ako na maglakad lakad lagi taas lang daw lagi paa ko kasi pag lagi daw at nakaupo mas malaki yunh chance na mamanas sabi ng Ob ko
munggo try mo po. and sa gabi lagyan mo po ng langis ng niyog minamassage ko po. and medyas po thankful naman ako 7months na walang manas po
Elevate ur feet olwz mamsh, control sa carbo intake at monitor mo ung bp. Nagkaganyan din aq around 34weeks ung pgbubuntis q.
Ako po nilagyan ko ng efficascent oil ang paa at binti ko, saka nagsuot ako ng medyas. Pag gising ko sa umaga di na po manas.
Di ko na hinihilot... Ang ginagawa ko ipapatong ko 2 paa ko s pinagpatong patong na mga unan. Kailangan kase n medyo nakataas mga binti habang natutulog.
Full-time working mommy