Gestational diabetes mellitus
Hello mga mamsh. Sino Po dito Ang na diagnose Ng gdm? Anong mga kinakain nyo Po? I'm currently at 28 weeks mataas daw Yun ogtt ko fbs and 1st hour. pinapag diet Ako and pinapa monitor blood sugar 4x a day. Wala pa Naman gamot na binibigay, monitoring palang and diet. Tia🥰 #advicepls #pleasehelp

1st tri palang pinag ogtt na ko kasi family hx na namin ang diabetes kahit wala naman ako mismo diabetes.. Sadly nagpositive ako sa GDM.. Pinamonitor lang ako ni OB ng bloodsugar.. Pero since may history din ako ng goiter nagpaclearance din ako sa endo ko.. At nagpa alaga din sakanya sa GDM ko.. So ayun pinarefer niya ko sa dietitian for my meal plan.. Yung kcal ko naaayon lang sa kelangan ng katawan ko.. 3 heavy meals in a day bfast lunch dinner = lahat yan may 1/2 cup brown rice yung meat may bilang lang kung gaano kadami pati 1/2 cup veges at fruit isa lang per meal.. Avoid too much carbs, sugary foods.. Pero ang snacks ko nakakapag Anmum pa ko 2x a day di ako binawalan kapalit ng sandwich syempre mas pipiliin ko mag anmum kaysa sandwich dahil mas nutritious.. 4x in a day bloodsugar monitoring from every day to 3x a week hanggang sa manganganak na ko once a week nalang dahil controlled na sugar ko thru diet.. Talaga sinunod ko si endo at OB kaya normal weight din si baby ko pagkapanganak ko🙏 Kaya mommy kung gusto mo talaga macontrol pwede ka pagawa ng diet plan sa dietitian para may susundin ka tamang kain ng isang buntis depende kasi yun sa kelangan mo height and weight.. Kelangan macontrol talaga kasi after mo manganak nyan ipapa check din ogtt mo ulit meaning magffasting ka ulit kasi pag mataas pa rin sugar mo nun pwede mauwi sa Diabetes type 2 na.
Magbasa pa

