Diabetic ako kahit before pa maging preggy. 1st pregnancy ko I miscarried dahil na din siguro sa taas ng sugar ko. Medyo dinaan daan pa namin sa diet non, and late na ko nag insulin. Di nag develop ng maayos si bb. Ngayong pregnant uli ako, pinag insulin agad ako. Tip with insulin esp preggy tayo, avoid injecting sa tummy area. Sa thighs nalang mi. For the food naman, ito yung usapan namin ng nutritionist ko: mag brown rice ka then more on veggies. Fruits pwede pero avoid eating fruits as a snack. Fruits after lunch and dinner is okay. Alam mo ung pinaka maliit na cup ng ice cream? Ganon kakonting fruits lang per kain. Dapat may pattern yung pagkain mo. Breakfast-snack-lunch-snack-dinner-snack. Never ever go to sleep na hindi nag snack kasi ang tendency, magpoproduce lalo ng sugar katawan mo habang tulog, pag gising mo mataas ang fbs mo. Wag magpapa gutom.
Magbasa pa