15 Replies
1st tri palang pinag ogtt na ko kasi family hx na namin ang diabetes kahit wala naman ako mismo diabetes.. Sadly nagpositive ako sa GDM.. Pinamonitor lang ako ni OB ng bloodsugar.. Pero since may history din ako ng goiter nagpaclearance din ako sa endo ko.. At nagpa alaga din sakanya sa GDM ko.. So ayun pinarefer niya ko sa dietitian for my meal plan.. Yung kcal ko naaayon lang sa kelangan ng katawan ko.. 3 heavy meals in a day bfast lunch dinner = lahat yan may 1/2 cup brown rice yung meat may bilang lang kung gaano kadami pati 1/2 cup veges at fruit isa lang per meal.. Avoid too much carbs, sugary foods.. Pero ang snacks ko nakakapag Anmum pa ko 2x a day di ako binawalan kapalit ng sandwich syempre mas pipiliin ko mag anmum kaysa sandwich dahil mas nutritious.. 4x in a day bloodsugar monitoring from every day to 3x a week hanggang sa manganganak na ko once a week nalang dahil controlled na sugar ko thru diet.. Talaga sinunod ko si endo at OB kaya normal weight din si baby ko pagkapanganak ko🙏 Kaya mommy kung gusto mo talaga macontrol pwede ka pagawa ng diet plan sa dietitian para may susundin ka tamang kain ng isang buntis depende kasi yun sa kelangan mo height and weight.. Kelangan macontrol talaga kasi after mo manganak nyan ipapa check din ogtt mo ulit meaning magffasting ka ulit kasi pag mataas pa rin sugar mo nun pwede mauwi sa Diabetes type 2 na.
Hala Ako din Po sinabihan Ako Ng OB ko na baka lang mataas sugar ko Kasi Yung baby ko Po Kasi Hindi nagtugma sa weeks and months ko NASA 28 weeks na Po Kasi Ako at Sabi Niya NASA mga 30-32 weeks na Yung baby ko dahil Po sa Malaki tapos Yung Amniotic fluid ko Naman mataas kaysa Normal range kaya Sabi Niya sa akin baka lang daw po mataas sugar ko Kasi pati SI baby eh Malaki din. kaya ngayon Po Hindi ko din alam Anong gagawin ko dahil sa Yung time na iyon kaya tumaas Ang Amniotic fluid ko dahil sa inum Po Ako Ng inum Ng tubig dahil sa Kaba ko tapos Yung time na din Po non is ultrasound ko din kaya hinala ko Naman Po baka nagkamali lang Yung OB tapos Isa Po siyang Specialist OB GYN. kaya ngayon Po Hindi ko alam ano gagawin tapos uuwi pa kami Ng Manila para Doon Ako magpatuloy sa Check up ko dahil sa Wala pong mga specialist na OB Dito sa Amin mayron man pero sobrang kalayo at magbubus pa. kaya Ang gagawin ko Po pagka uwi Namin sa Manila magpapa lab Po Ako lahat lahat ulit. Kasi Wala Po talaga sa History ko mataas Yung sugar ko nito lang Po dahil sa kalakas ko na Po Kasi Kumain.
GDM last monday ang check up. 220 OGTT ko first hour pero yung fbs ko sobrang baba 71.. 3x a day ako pinapamonitor ni Dr. no carbs ako since 5mos. 34 weeks and 4days ako now.. and yung mga records ko hindi naman mataas kaya continue diet lang daw no sweets, no carbs, no BUKO JUICE, mataas pa din daw da sugar ang buko juice sabi ni doc, gulay and fish/chicken lang.. sa morning-oatmeal with no sugar oatmilk at avocado mashed yun lunch- veggies/fish or chicken iwas din ako sa mga pork and beef may problema din kasi ako sa pag dumi.. dinner- boiled egg half apple. more on water po before and after meal 1 glass of water. tsaka exercise after kumain walking kahit sa bahay mga 20mins.. iwasan din daw yung laging nakahiga kasi na observe namin after ko kumain nakatulog ako tapos tumaas sugar ko 140 (buti umabot sa cut off) kaya dapat after meal galaw galaw.. hugas plato walking, stretching, walis etc basta gumalaw 20mins after meal. wag sobra sobrang busog nakakasama din daw kahit gulay/fish yan lahat ng sobrang ay masama...
Diabetic ako kahit before pa maging preggy. 1st pregnancy ko I miscarried dahil na din siguro sa taas ng sugar ko. Medyo dinaan daan pa namin sa diet non, and late na ko nag insulin. Di nag develop ng maayos si bb. Ngayong pregnant uli ako, pinag insulin agad ako. Tip with insulin esp preggy tayo, avoid injecting sa tummy area. Sa thighs nalang mi. For the food naman, ito yung usapan namin ng nutritionist ko: mag brown rice ka then more on veggies. Fruits pwede pero avoid eating fruits as a snack. Fruits after lunch and dinner is okay. Alam mo ung pinaka maliit na cup ng ice cream? Ganon kakonting fruits lang per kain. Dapat may pattern yung pagkain mo. Breakfast-snack-lunch-snack-dinner-snack. Never ever go to sleep na hindi nag snack kasi ang tendency, magpoproduce lalo ng sugar katawan mo habang tulog, pag gising mo mataas ang fbs mo. Wag magpapa gutom.
Totoo po bang pag nalilipasan mas tataas ang sugar?
Ako po before I got pregnant medyo mataas na sugar ko. Nag Low Carbs diet ako as in no rice, pasta, noodles and bread. Pti sweets iwas sa lahat. After 1 month nag normal sugar ko at nabawasan timbang ko. After 3 months of doing LC, I got pregnant. Nagrice ulit ako paonti onti since alam ko na need yun para sa development din ni baby which is mali pala ako. Tumaas FBS ko ulit pero sa OGTT normal naman ako. Kaya back to low carbs ulit ako ngayon wala na ulit rice.
ano Po mi Sabi Ng ob at Endo nyo? ok daw Po ba Ang low carb?
ako po. the moment na nabuntis ako at ni require ng mga laboratories nakita na mataas ang fbs ko. sa ngayon 2 ang dr ko, ob at sa diabetes plus my nutritionist pa. required ako mag test 4x a day plus insulin 12 units 15 minutes before kumain. tinanggal ko na lahat ng carbohydrates, starchy foods, kahit gatas na pambuntis hindi pwede. non-fat or low fat milk lang po plus more on vegetable. binawalan din po ako ng dr kumain ng mangga at grapes.
nung inalis mo mamsh Ang carbs at starchy foods ok Naman timbang ni baby? so ano Po pamalit nyo sa carbs? if you mind me asking
GDM mommy here too. So far, what really worked for me is shifting to corn rice from white rice. No white bread and colored drinks din. I also eat small meals every 2 hours, kasi the more you starve yourself, the more na nagsspike ang bloodsugar. That's what I have observed din upon monitoring my BS.
Ako mamsh. At 25 weeks 2 daya now. Mataas daw fbs ko pero yung ogtt ko pasok naman sa normal range. Pinapa hba1c ako by next month to confirm kung may GDM ako. pero 1 month na kong walang kanin. Puro wheat bread and ulam lang.
Thanks, sis! Naghahanap nga din ako dito sa subd namin. Minsan tamad din kasi ko kumain kaya nagsspike daw sugar ko. Nalilipasan ako minsan. Pero now every 4-5 hours na ulit kain ko pag gising ako.
Mag search ka ng pwedeng kainin mommy. Less rice, less sugar and less carbs. No fruits muna habang minomonitor ang blood sugar mo. Have a moderate exercise ganurn. At wag magpapagutom.
ako po at 31 weeks. pinagdiet ng IM at monitor ng blood sugar. so far ok naman result ko. di ako nirequire for insulin.
Anonymous