Mga mamsh palabas nang sama nang loob sobrang bigat na kasi. Mag 2 years na kami nang bf ko meron na kaming 5 months old baby. Before nung di pa kami mag kasama sa bahay ok kaming dalawa yung tipong kahit lagi kaming nag aaway naayos pa rin namin kahit sa chat lang nasasabi namin kung ano yung nararamdaman namin sa isat isa. Yung sabik na sabik kaming mayakap yung isat isa. Kahit malayo kami ramdam namin na mahal namin yung isat isa. Pero ngayun nag bago. Akala ko pag nag kasama na kami mas lalo namin maipaparamdam yung love. Akala ko mas magiging ok pag mag kasama na kami. Pero alam nyo yun. Yung hanggang sa una lang pala lahat. Simula nung nag sama kami at nabuntis ako nag karoon nako nang sama nang loob sakanya. Siguro kasi parang iba nung di pa kami nag sasama sa nararamdaman ko ngayun na mag kasama na kami. Lagi nyang dahilan na iba na daw priority namin si baby na daw. And yes alam ko yun sa sobrang tutok namin nawawalan na kami pake sa isat isa. Pero tuwing na rerealize ko yun. Parang wala lang sakanya. Tuwing gusto ko gumawa nang move parang baliwala na lang. I hate this feeling na nararanasan ko lang yung lambing nya pag may nangyayari lang samin . After nun wala na. Ang sakit kasi nag tatanim ako nang sama nang loob sakanya. Na di ko alam kung tama ba sobrang mahal ko sya kaso minsan napapagod ako tanga lang kasi isang yakap lang nawawala lahat tanga nanaman. Wala nakong ibang nakikita na gustong makasama hanggang dulo kung di sya. Pero parang malabo pa haha sakit lang kasi lahat to di ko ma open sakanya. Kaya nang yayari tinutuon ko na lang sa baby namin lahat. Ano ba naman yung kahit batiin ka manlang sa araw nyong dalawa haha, yung kahit isang araw lang maramdaman mo ulit yung excitement between us 💔
Anonymous