Si baby na may kabag/colic tuwing madaling araw

Mga mamsh pahingi naman ng tips or advice kase ang baby ko lately laging nagigising ng mga 1am tas iiyak kapag padedein ko naman para syang galit na galit or parang gutom na gutom tas iiyak ulit tas pulang pula sya. Kahit anong style ng karga naiiyak parin sya tas para syang lumiliyad o kaya naman tumataas baba ang paa nya which is sign daw ng kabag . Lagi ko naman pinapadighay si baby kapag dumedede sakin pero ganun parin. Pahingi naman po ng tips or idea kung pano mawawala ang kabag ni baby. Kase halos natrt ko na yunh mga nasa google ganun parin sya. Pahelp naman po. Kaka 1month palang ni baby ko at breastfeed kame minsan nag pupump ako para sa bote sya mag dede. Pahelp po. Sana may makapansin 😢 #ftm

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same po sa baby ko, sa gabi naman sya bago kami matulog, minsan sumusuka pa kaya iniiwasan ko na ibottle feed puro breastfeed pero di padin maiwasan kasi may work ako, sabi din daw wag ipacifier pero pag di naman pacifier dede ng dede maooverfed, eh pag walang salpak na tsupon iiyak, ang ginawa ko every 2-3hrs sya papadede-in, pag naiyak sya kahit wala pa 2 hrs ng dede hinihele ko nakatayo then nakakatulog sya, tapos aceite minsan or baby oil sa tyan every palit ng damit and bago magsleep

Magbasa pa

ganyan den baby ko nun may nireseta si pedia nya ng pampatibay den sikmura nya simula nun sarap na tulog namin dalawa sa gabe... hanggang ngayon sya lang kusa nagbuburp simula sapol sya lang nagbuburp di kasi nagbuburp baby ko pag pinapaburp ko tulog lagi

2y ago

flora sunflower oil drops sakin once a day po before bed para di ka maistorbon 2months po baby ko nun... 2 patak binibigay ko noon pag naubos n yun okay na... paubosin lng daw yung bote drop

TapFluencer

Mii try nyo po ito sa tiny buds ung Calm tummies po nila anti colic po oil po sya. Check out Tiny Remedies Calm Tummies Anti Colic Massage Oil (30ml) for ₱169. Get it on Shopee now! https://shopee.ph/product/18520495/10864663907?smtt=0.106069466-1663210176.9

2y ago

ahh bawal po sya sa 1month old palang? kaka one month palang ni baby nung isang araw e 😥😢

ako mi lagi ko lang pinapahiran c baby ko Ng aceite de Manzanilla Umaga kapag bbihisan ko at bago maligo pinapahiran ko Rin , sa Gabi ganun din pati bunbonan nya .sa awa Ng diyos mi mag 10months na baby girl ko di kinabag .😊

VIP Member

ung tiny buds po alam ko po starting two months pa pwede. Burp lang po, i-bicycle po ung legs ni baby and iloveu na massage sa tyan. Anu po bote gamit mo?

2y ago

baka po sa bottle mi, iba pdn kc pg breastfeed pero ako kht pure breastfeed grabe kabag ng bb ko 2mos old sya sa nbbsa ko nwawala dn po yan. pero now dko knaya simeticon dn po skn.

Try mo sa kleenfant happy tummy massage oil, 0months up. Yan gamit ni lo ko pag kinakabag sya. Mayamaya tatahan na sya. Lazada or shopee po

Post reply image
2y ago

mas effective po ba yan kesa sa tiny buds?

massage mo sya with tiny buds calm tummies, effective yan ganyan gamit ko pagmay kabag si baby. bilis nya makautot💛

Post reply image

kay lo calm tummies lang inapply ko at gamit pang massage everytime may kabag siya safe and effective .. 🙋‍♀️

Post reply image
2y ago

pano nyo po nilalagay? tuwing masakit po ba tyan ni lo mo saka nilalagay??

Ganyan din si baby dati hanggang sa pina checkup kona pero niresetahan kami ng pedia nya ng rest time

Post reply image
2y ago

Pwede po ba to sa 1month old?

dapat po ang baby pag katapos dumede o anuman , lagi padighayin .