pagpulot ng bagay sa sahig

mga mamsh.. okay lang ba sa akin na magpulot ng bagay sa sahig sobrang praning kasi ng asawa ko bawal daw naiipit daw si baby.. naiintindihan ko naman siya kasi nawalan na kami ng unang baby pero please gusto ko malaman if naiipit ba talaga or okay lang naman magpulot kung minsan minsan lang. thank you in advance mga mashhiess. ❤️

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

husband ko rin ganyan. di ako pinapayuko kasi naiipit yung puson ko. lalo kung malaki magbuntis. at napapasquat kasi ako pag nagdadampot, baka raw mapabuka yung cervix ko (nagspotting kasi ako before) sinusunod ko na lang kasi mahirap na. naranasan din kasi namin mawalan ng anak.. kaya lahat ng gagawin na feeling nya maiipit o makakasama sakin at kay baby, iniiwasan na lang kaya binilhan niya ako ng pandampot na stick (claw toy sa toykingdom 😅)kasi minsan magisa lang ako sa bahay at pag may nalaglag, wala nasa sahig lang yun hanggang sa dumating na lang sya.. ngayon nakakadampot na ko kahit pano 😁 intindihan na lang natin mga asawa natin Sis.. ganun talaga lalo na may history nga tayo ng di magamdang pregnancy. wala namang masama.. atleast andyan sila for us na very supportive :)

Magbasa pa
3y ago

pati tuloy ako sis natatakot na. hahahahah sobrang praning niya sis for example matama yung tiyan ko sa sandalan ng upuan pero mahina lang at hindi masakit gagayahin niya yon sa belly nya tapos tatanungin niya ko gano ba kalakas yung tama at masakit ba. kasi parang sakanya daw masakit. hahahahaha. nakakatawa pero nakakarindi at the same time. 🤣

mas okay na pag may pupulitin ka sa sahig is ibebend mo muna tuhod mo kasi maiipit ang tyan mo kung yuyuko kalang. inaadvise yun ng mga OB.