2 kls baby
Hello mga mamsh. May kunting concern lang po ako. Pinanganak ko kasi si baby 2kls lang kasi highblood ako mula 8months tas 38 weeks ko lang sya nilabas via CS. Binigyan po sya ng pedia nya ng gamot pampalaki (debincozide Heraclene) mula 1st month hanggang ngayon na 5months na sya. Kaso, d pa rin sya umabot sa normal na timbang ng 5months baby. Ceelin din po vitamins nya. Tanong ko po, pwede po bang dagdagan ko vitamins ni baby? Or palitan yung Ceelin? Sabi kasi ng pedia nya wala naman daw problema sa mga vitamins nya. Baka d hiyang si baby kasi maliit p din sya. Exclusive breastfeeding ako. D naman sya sakitin kaso, nasasaktan lang ako tuwing mkakarinig ako na “hala ang liit ng baby mo”.😢😭 Salamat po sa mkasagot.

Share ko lang mga my, ako din highblood from 7 months until manganak ng 37weeks. 1.5 kgs lang si baby and nakapoop. naiwan siya for 4 days sa ospital then niresetahan siya ng preNAN for low birth weight. Then, nung ff check up nutri10plus, Taurex, Heraclene and VCO po ang nireseta sakanya. Then, after 14 days na admit ulit si baby diagnosis is Sepsis may infection sa dugo, sa awa ng Diyos after 10 days nadischarged na din 2.350kgs lang siya nun. Bago siya mag 2 months tinigil na yung heraclene and vco kasi sakto na siya sa timbang niya for a girl and mahaba si baby kasi matangkad kami. Ngayong 2 months na siya 4.1Kgs nung tinimbang namin, sakto naman na yung timbang niya sa edad niya and praying na mas umokay pa ang timbang niya. BTW, mixed feeding kami simula lumabas siya kasi super hina ng gatas ko and nasanay siya sa ospital na bote pero now, inayawan na talaga niya kaya nakakasad pero nagpapump pa din ako kahit super onti lang nakukuha ko pinapainom ko pa din sakanya.
Magbasa pa
