2 kls baby
Hello mga mamsh. May kunting concern lang po ako. Pinanganak ko kasi si baby 2kls lang kasi highblood ako mula 8months tas 38 weeks ko lang sya nilabas via CS. Binigyan po sya ng pedia nya ng gamot pampalaki (debincozide Heraclene) mula 1st month hanggang ngayon na 5months na sya. Kaso, d pa rin sya umabot sa normal na timbang ng 5months baby. Ceelin din po vitamins nya. Tanong ko po, pwede po bang dagdagan ko vitamins ni baby? Or palitan yung Ceelin? Sabi kasi ng pedia nya wala naman daw problema sa mga vitamins nya. Baka d hiyang si baby kasi maliit p din sya. Exclusive breastfeeding ako. D naman sya sakitin kaso, nasasaktan lang ako tuwing mkakarinig ako na “hala ang liit ng baby mo”.😢😭 Salamat po sa mkasagot.

Hello po. 37weeks at 2.4kg baby girl ko nung pinanganak. Now 9 months na siya at nasa 8kg. Dating EBF ngayon mix feeding na, kasi gusto ko, para makakilos at wala akong pump 🤣 Ceelikg Plus at Rejuvon ang Vitamins niya. Okay ang baby ko, okay lang din ang timbang sabi ni Pedia. Malikot siya, masigla, maingay at hindi sakitin. At same sayo nakakarinig din ako ng "mapayat si baby", "pakainin ng ganito ganyan para tumaba" etc. Hindi mula sa ibang tao pero dito lang sa loob ng bahay. Nakaka stress talaga lalo na pag paulit-ulit. Sarap manapak! 🤣 pero di ko naman gagawin yun 🤣 Pero as long as okay naman ang baby natin, naaalagaan ng maayos at napapakain ng masustansyang pagkain, hayaan na lang sila. We can't please everyone!
Magbasa pa
