2 kls baby
Hello mga mamsh. May kunting concern lang po ako. Pinanganak ko kasi si baby 2kls lang kasi highblood ako mula 8months tas 38 weeks ko lang sya nilabas via CS. Binigyan po sya ng pedia nya ng gamot pampalaki (debincozide Heraclene) mula 1st month hanggang ngayon na 5months na sya. Kaso, d pa rin sya umabot sa normal na timbang ng 5months baby. Ceelin din po vitamins nya. Tanong ko po, pwede po bang dagdagan ko vitamins ni baby? Or palitan yung Ceelin? Sabi kasi ng pedia nya wala naman daw problema sa mga vitamins nya. Baka d hiyang si baby kasi maliit p din sya. Exclusive breastfeeding ako. D naman sya sakitin kaso, nasasaktan lang ako tuwing mkakarinig ako na “hala ang liit ng baby mo”.😢😭 Salamat po sa mkasagot.

I think kung multivitamins and supplements pwede naman po magtry kung mahiyang ni baby yung iba. Share ko na lang po pinainom kay baby, baka po mahiyang din ni baby nyo. 1 month pa lang ang reseta sa kanya Nutrilin at Ceelin. Then nung 4 1/2 months sya pinalitan na ng Ceelin plus at Ferlin. Need na daw ng iron ang mga breastfed babies. Nutrilin yung multivitamins nya, baka po mahiyang ni baby. Good luck po!
Magbasa pa
