Hi mga mamsh, hindi ko alam kung ako lang ba or may iba ding mga mamshies dito na nakakaranas ng lungkot. Wala naman kame pinag aawayan ng LIP ko, nagpoprovide sya sa family namin pero nadedepress talaga ako to the point na umiiyak ako sa gabi. 33weeks pregnant ako sa 3rd baby namin. First time ko syang makasama sa pregnancy ko kase dun sa first 2 ay on-off kame. Ngayong pandemic ay naging stay-in sya sa work at once a week nalang umuuwi. Nag-uusap naman kame thru videocalls at chat pero sobrang saglit lang. Yung tipong tatanungin nya lang kung kumain mga bata. Hindi ko na ma-feel yung pagkamiss nya samin twing umuuwi sya. Di kame nag uusap pag nandito sya sa bahay. Nasa cellphone lang sya lagi. Hinahayaan ko lang kase once a week nalang syang nandito. Natetempt akong icheck yung phone nya kase busy na sya lagi sa group chat ng mga ka-officemates nya. Hindi ko alam kung praning lang ba ako pero nafifeel ko na paramg ang layo na ng loob namin sa isa't isa. Iniisip ko na malapit na kame maghiwalay. Ramdam na ramdam ko..
Kanina brinought up nya na itansfer nalang daw nmain yung bunso namin sa lugar ng mama nya, tapos sabi nya gusto nya daw mangupahan nalang sya malapit sa office nila. Nagsasabi din sya na uuwi nalang syang Bulacan. Ewan ko, iba talaga pakiramdam ko. ???
Anonymous