55 Replies

wag ka maniwala sa ganyan.. sabi ng pedia ko its better to spoil your baby kasi mabilis lang sila lumaki. if your baby wants to be carried, that just mean comfy siya sayo or your baby wants love. yung lola nga ng hubby ko panay sabi na wag daw sanayin sa karga eh ako naman binabasag ko siya at lagi ko sinasabi sa kanya "bakit? ikaw ba nag aalaga?" 🤣

your baby needs you kaya sya umiiyak. the environments suddenly changed nung lumabas sya. anjan yung takot sya, naninibago sya. kailangan nya mommy yung karga mo. kailangan nya yung yakap mo. kailangan nya maramdaman yung puso mo. 9 months mo syang dinala. alam nya tibok ng puso mo. at yun ang hinahanap nya. enjoy the moment mommy. mabilis ang panahon

VIP Member

Buhatin mo ng buhatin. 😁 When my baby was at that age, lagi din ako sinasaway ng mga elders samen kasi masasanay nga daw, but I said okay lang masanay. Gusto ko din sanayin! Tulad niyan 7 yrs old na siya hindi na siya ganun ka clingy. Gusto na lagi magisa magsleep 😔 Nagpapakaindependent na. Feeling ko nga di ko pa nasulit yung buhat moments namin eh. Hehehe

Hindi naman totoo yun mommy... Wag hayaang umiyak si baby kase kakabagin po yan, pag naiyak po ang baby, kahit busog or bagong palit yung diaper.. Gusto po yan nila ng lambing kase feeling kase nila safe sila tsaka ramdam nila na mahal sila.. Kaya baby plng ipadama ang pagmamahal mula sa nanay

Ganyan din baby ko nung 1monthnold pa lang siya. Wag ko daw sanayin buhatin sabi ng kasama namin sa bahay dahil yung anak daw niya hindi daw niya sinanay na ganon. Sabi ko iba-iba naman ang baby tsaka gusto ko talaga ibaby at hindi naman ganon kaiyakin ang baby ko, kapag inaantok at gutom lang naman siya umiiyak.

VIP Member

Pde nmn ikaw nmn mahihirapan eh hehe aq dq po sya sinasanay sa karga mas bonding kami sa higaan kaya d aq masyado hirap ngyon lalo na npakabigat na nya mas gsto nya lagi sa higaan mkipaglaro syempre pag bored na c baby need mo tlga kargahin at ipasyal pasyal ganun lang po mommy😊

Buhatin mo sya, hindi yun pagiging spoiled. Nabuhat mo nga sya ng 9 months eh, pag naglalakad na yan hindi mo na yan maawat iiyak na sya pag kinuha mo. ganun talaga ang baby sanay sya na naka dikit sayo kaya hinahanap nya yung init ng body mo kawawa naman wag mo tiisin.

ok lng nmn pong kargahin kung umiiyak c baby kc need nya po ng comfort..kung hindi nmn po umiiyak hayaan nting mglaro or laruin ntin. un po cguro ung cnsabi ng matatanda na wag sanayin sa karga kapag hindi nmn umiiyak kinakarga parin natin ..

VIP Member

Nako buhatin mo na hanggang sa ngayon na hindi pa malikot, pag gumagapang at naglakakad na yan hindi mo na mabubuhat ng maayos yan. Ako lang lagi ko binubuhat baby ni Maku hahahaha nagsasanay na ako tsaka nakakagigil. 🤣 Uwi na kayo ako magbubuhat kay Joanne! 😋

fishtea ikaw pala yan! HAHAHAHHA. nagulat ako bakit may MAKU 🤣🤣🤣

VIP Member

Yun po nakasanayan ng mga matatanda na wag sanayin sa karga si baby kesyo ganito ganyan. Sa dibdib po kasi natin pakiramdam ng mga baby secure po sila. Kasi po pag sila lumaki laki na halos ayaw na magpabuhat gusto laro laro na lang 😊

Trending na Tanong

Related Articles