17 Replies
ako naman mataas pain tolerance ko pag IE sakit oo tlagang masakit sya pero keri ko then ung pain pag tapos wala lang sakin kaya naiinis ako kc baka nag lalabor na pala ako di ko lang alam dahil sa mataas pain tolerance ko . gosh!! naka 4xna mucus plug na lumabas sakin may pain sa pempem at puson pero parang di pako kontento may hinahanap pakong mas masakit para makapag go na. papa IE ulit ako para makita kong may progress na 2-3cm palang kc ako. pero feeling ko may progress kc iba na e parang may force na gusto kumawala sa pempem ko
inom ka ng pineapple juice yung delmonte .. nakatulong un sakin tinry ko lang .. nung umaga ramdam ko na naglalabor nako uminom agad ako .. tapos naglakad lakad ako habang di pa sunod sunod yung hilab.. ayun na nga pag ie sakin 2cm palang ako pero malambot nadaw yung cervix ko .. hinintay ko nalang mag sunod sunod na yung hilab ng paglalabor ko .. naglakad lakad lang ako kahit masakit na hehe.. tpos ayun nanganak na din agad ako nung gabi .. try mo lang sis ..
Thank you po. Noted 😊
Same tayo mom mababa pain tolerance , due ko dapat today kaso nung nov. 30 nagstart na sya sumakit halos nanginginig na ko mag labor , hanggang 3cm ako mom tapos nag decide na ko ics pag dating sa hospital nag 8 cm na sya , Sabi ng dr kung kaya ko pa inormal sabi ko hinde ko na kaya , after ko macs nakapulupot pla yung pusod sa leeg . hirap den macs 😩. Kung kaya mo manormal momy normal nalang . Sana maging okay kayo ni baby at maraos mo na ☺️☺️
opo mommy nagdecide ako agad ok lahat ng ultrasound walang pulupot na naganap pero nung naglabor na ko sobrang likot kaya siguro ayun napulupot . kayo na next sana maraos mo na 😊🤗
we always say "i can't", and then we do 😊 FTM here. grabe din fear ko sa panganganak. pero nakaya naman. dumating ako sa ospital na 8cm na pala at nakaya ko kahit akala kong hindi. dami tayong takot sis, pero ang ending ay better pa yung nagagawa natin 😊
true Sis, hindi ko alam paano ko nakaya ma normal. Sa sobrang baba ng pain tolerance ko, 2cm pa lang. hindi ko na kaya yung hilab kaya napalipat ako ng private at nagpa painless.
ako mie nagulat nung na IE ako.halos gusto kong sipain ung nag IE sakin ..😂2 days akong dinugo nanghina ako at kinabahan pra sa susunod na IE 🥺🥺🥺 Currently 39 weeks ako ngaun no 2cm pa din
ay talaga ba? depende padin siguro. Primrose naglalagay ka sa kips? Grabe baho nung oil, diko keri.
Nung na ie ako last week ni doc sobrang sakit din puro ko aray aray 🙈🙈🙈 mababa din pain tolerance ko. Sana mhi makaraos na tayo pa 39 weeks na ko sobrang likot pa din ni baby. Sana talaga 🙏🙏🙏
Ganun talaga Mamsh. Mahirap ipilit na inormal lalo't mataas ang BP. Praying for you and your baby safe delivery 🙏🙏
wag mo gustusin sis na ma CS kasi mas mahirap at matagal ang recovery. Tiis lang ako 2 na anak ko, normal delivery pero for me ang pinaka masakit is ung tahi kaysa labor at pag ire 😂
kaya muyan Mii. prepare your self sa lahat ng sakit pero worth it lahat yan basta lumabas lang si baby ng healthy
Mga Mamsh, nakaraos na po ako. Nag painless ako kasi sobrang baba ng pain tolerance ko. 2cm pero yung hilab hindi ko kinakaya. Sobrang sakit. But thanks God, normal delivery padin po 😊🙏
na IE ako last Dec. 7 , until now nagdudugo pa rin ako, normal lang ba yun? tapos yung poop ko, basa (tubig nalang) tapos kulay itim pa. normal lang ba? im in my 37weeks and 3days now.
Madaming dugo ba Mamsh? saken kasi pakonti konti simula nung na IE ako. yung black poop ang alam ko normal sya kasi nainom ka ferrous. Yung basa not sure po, baka may nakain ka lang po kaya nagbasa.
Nako wag mo ng gustuhing ma cs. Sobrang hirap.. Mom of 4 ako pero itong last ko nacs ako sobrang hirap. 17days na ko pero hirap pa din ako makakilos at may kirot pa din.
Wow congrats mumsh! Getwell din ❤️
Rosa