Share ko lang po. :(

Hello mga Mamsh, Di ko po kasi alam kung ano gagawin ko :( nalulungkot nalang po ako. Yung partner ko po kasi Di ko po alam tumatakbo sa utak niya, nung wala papong nabubuong baby aminado naman po ako na di masyado maganda trato niya sakin, napagsasalitaan niya ako ng masasama katulad ng "Sawang sawa na ako sayo" at iba pang masasakit na salita, iniiwan niya po ako kung saan saan na parang wala siyang pake pati po sa kalsada bigla nalang siya maiinis sakin tapos iiwan po ako bigla, tapos ginawa ko po 4 months ko pong tinago yung tyan ko sa Family ko, hanggang sa nalaman po nila. Pero bago mangyare yun mga Mamsh nagtiis din po muna ako na kahit buntis ako di parin maganda trato niya sakin pero pinipilit ko po na maging okay tinatanggap ko po lahat ng masasakit na salita niya kasi ayaw ko po na iwan niya ako :( sa pamilya po kasi namin halos unang anak iniwan po ng tatay eh kaya sinasabi po ng kamag anak po namin na may sumpa daw kaya ayaw ko po mangyare sakin yun. Nung nalaman na po ng magulang ko, di ko po siya pinilit na panagutan ako, sabi ko kahit yung bata nalang po panagutan niya. Hindi ko nadin kasi minsan matiis na tuwing lasing po siya hindi po nawawala yung may kinakausap po siyang babae. Nagbago bago naman po ugali niya ngayon mga mamsh, naging maalaga naman po pero tuwing tulog po ako o hindi nababantayan yung account niya may kinakausap po siyang babae. Nakakapang hina lang po, madami na po akong Insecurities sa buhay halos ako na po nag adjust sa pamilya po namin di na po ako nakapag aral dahil ayaw ko maging pabigat sa magulang ko dahil sa problema namin sa buhay, Mental illness, Health Issues etc., tapos nagbago na po katawan ko marami na pong stretchmarks at di po maganda tingnan. Iniiyak ko nalang po patago mga mamsh, kahit para nalang po sa anak ko maging matatag ako . Napapatanong po ako lagi sa sarili ko kung "Worth it ba talaga akong tao?" kasi po parang pinipilit ko nalang sila na tanggapin at mahalin ako :( na kahit ganun yung trato sakin ayos lang basta nandiyan sila, ayos lang ako masaktan basta kasama ko sila. Salamat mga mamsh! Btw proud ako sa inyong lahat, lahat ng mommies na lumalaban ngayon. 💖 #firstbaby #pregnancy #1stimemom

11 Replies

hi momsh same situation tapos eto nanga 37 weeks pregnant madalas din po iniisip ko Bat parang Diko ramdam yung love mula sakanya yung tipong overthinking kills me always pag naiisip ko yung mga bagay bagay yung halos mag kanda kuba kuba kana sa pag lalaba kahit malaki nayung tyan mo dika padin nya tinutulungan yung halos maiyak kanalang tapos every time na check up ko Halos mag makaaawa ako saakanya para lang tulungan akong magpunta sa ob pero kapag sa ibang tao e mabilis pa sa alas kwatro kung sumunod sa utos nila tapos kapag ako yung nag utos wala Kahit Umiyak pako Di makikinig at dirin susunod nakaka inggit tipong mapapaisip kanalang na Buti pa sa iba Mabilis sya😢😢 then one time sabi ko kay God bakit sya yung nakilala ko? bakit sya yung pinakilala ni god saken madalas yun yung tanong ko sis pero lagi ko po sinasabi kay god na kahit ganito mag titiwala paden ako sa plano nya then nung friday night itinakbo ako sa hospital kasi halos pulang pula buong katawan ko sis tapos may sinat din tsaka matamlay then gods plan nga siguro first time ko maramdaman at makita yung care nya tipong halos Mag maka awa sya saken na mag pagaling nako na lakasan ko loob ko yung i please nyako na Lumaban ako. then Ayun asa hospital nanga kami madaming examination about laboratory tsaka bp then After 2hours sabi ng mga doctor over fatigue daw po tsaka High blood kasi sis umabot ng 140/100 yung bp ko syempre di daw normal yun para sa Buntis. then sabi ko ulit kay god Na sana Ayus lang yung lagay ni baby and sana maging safe kami pareho lagi kong kinakausap si god. then Now Àng swerte ko sis kasi si mister na mismo yung nag lalaba nag luluto tsaka nag lilinis ng bahay plus binibilhan nyapa ako lagi ng fruits tsaka syapa Nag aayos sa mga ginagawa ko dati. and kapag inuutusan kosya or niyayaya umalis aba Todo sama sya tsaka ginawa nyana kaming priority ni baby tutok nadin sya sa mga Medicine ko ngayon pati sa mga foods. kaya sis advice kulang sayo na always talk god para may masandalan kadin at maniwala/magtiwala kalang sa plano nya. godbless😙

Mommy life can't be perfect but like the rest of us you deserve the best..you..yourself is worthy..never settle with the less...the key to attaining respect and love from people around you is by starting it with yourself...no one can love you better than yourself....you are as worthy as you see yourself...value yourself po muna and the rest will follow...minsan kaya tayo na te.taken for granted kasi naniniwala sila na kahit aning gawin nila you can never leave them kasi di mo kaya na wala sila..but kung ipapakita mo na pinahahalgahan mo din sarili mo..and you would make it work with or without them..makikita din po nila yung worth mo...yung mahalin po at irespeto an sarili mo hindi yun pagiging selfish po..yiu must find your worth so others could see it too..if they don't then let them be...mahalin mo sarili para din sayo and most of all para sa dinadala mo..the more reason you have to take good care of yourself..kasi you don't just live for yourseld anymore..may isang buhay na nakasalalay sayo..Pray for healing and guidance..God bless.

kumuha kalang ng batong ipukpok sa ulo mo.. alam mo namn hinde magndang trato at irresponsible ang tatay ng anak mo, obvious namn na hinde ka mahal pinipilit mo parin.. lets accept it nalng at magpakatatag ka na may mga bagay tayong gusto pero hinde pede mangyare.. ngayun palang magdecide kana kung gusto mo talaga magkaron ka ng peace of mind.. ISIpin molang ang baby mo at future mo kung magiging masya ngaba talaga kayu kung magsasama kau . oo nga hinde ka iwan kasi nga choice mo ang tanong "asan ang tiwala?"wala na , paparusahan molang sarili mo araw2.

mommy mahirap po pag ganyan, sarili mo ang kalaban mo hindi sila o hndi yang kinakasama mo, kasi andaming reason eh pra iwan mo sya lalo at hndi mganda pagtrato nya sayo, pero ikaw mismo nag iisip ng dahilan pra mag stay kahit maliwanang pa sa sikat ng araw na hindi ka nya nirerespeto, yung.isang beses okay pa eh pero sa story mo pa ulit2 na.. mahalin mo po muna sarili mo, focus sa anak at sa sarili mo, pabayaan mo sya, ano pabang worst na pde nya gawin?? eh mukhang nagawa nya na, wala ng bago

hi po same po tayo im 3months pregnant po ngayon at babaero po ang asawa ko hindi ko po hawak account nya kasi sabi nya ay di naman po kami kasal para pakelaman ang account nya ang dami ko nababalitaan na may chinachat parin sya kaya naistress ako masakit man para sakin pero tinitiis ko kasi ayokong mawalang ng tatay ang anak ko ayokong lumaki ang anak ko na katulad din sa pamilya ko na broken den wag po tayo magpakastress kakarmahin din po sila 1st time mommy din po ako :)

ganyan din asawa ko pag lasing nag babago ugali nya kung ano ano pinag ssbe sken tas nasa point na masasaktan na nya ko pero nag titiis pa dn ako dahil sa anak namen at ngayon na manganganak nako 😥minsan naman sobra maalaga nya pero pa iba iba 😔 pray lang mommy kaya ntin to pakatatag lang tyo 🙏❤ dahil kahit ganyan sila stin my panginoon tyo nandyan at mahal na mahal tyo 😍

Mommy, what you tolerate is what will continue. Minsan kasalanan rin natin dahil pinababayaan nating tratuhin tayo nang hindi tama ng mga taong mahal natin. Pero alam mo, hindi pa naman huli ang lahat para irespeto mo ang sarili mo at ang batang dala mo. You can walk away anytime, mommy. Kung wala kang dignity sa sarili mo, hindi ka rin pahahalagahan ng iba.

Minsan tayo ang may kasalanan kung bakit bumibigat ang problema natin. Kung sa umpisa pa lang natuto at naliwanagan na tayo di tayo hahantong sa paghihirap. Nasa sayo ang desisyon. Keep on praying. 🙂

VIP Member

sana nuon pang walang nabuo hiniwalayan mo na. bat ka magtitiis sa lalaking ganyan mangtrato. kung mahal ka at may respeto sayo hindi ka yan mananakit.

VIP Member

nothing is impossible with the Lord. e pray nyo po na magabayan kayo ng maayos sa pg decide. sana makita mo ang love na hinahanap mo.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles