Single mom noon pero married na ngayon
Hi mga mamsh. Dati akong single mom for 7yrs pero married na ko ngayon. Mahal naman ako ng husband ko kasi pinakasalan nya ko at tinanggap nya ang anak ko. Nakabukod din kami at may sariling bahay. Sa ngayon preggy ako kaya sya lang din ang nagtatrabaho para sa amin at bahay lang ako. Pero minsan pakiramdam ko may oras na sana nanatili na lang akong single mom at di na lang pumasok ulit sa ganito. Pakiramdam ko kasi minsan hindi ako deserve sa asawa ko dahil binata sya tapos napunta sya sa akin na single mom. Madalas din iniisip ko na baka nagsisisi sya at ako ang pinakasalan nya. Depressed na po ata ako. Help. 😢