19 Replies
2 lines faint ang isa . ganyan din saakin 30weeks preggy na now🥰 6weeks lang c baby nung nag PT ako at na confirm ng ultrasound 7weeks sya. before ako nagPT napapansin ko 10am palang gutom na ako🤣pag dipa ako kumain ng 11am hinang hina na at subrang gustong matulog kahit subrang init nakakatulog ako at gigising ng gabi na tapos sarap parin sa tulog sa gabie. nag taka na ako kc usually pag natulog ako ng hapon ang susunod kong tulog ay 11pm to 12midnight na dahil sa insomnia ko.🥰 isa pa kaya ko hndi kumain ng lunch pero nung time na yun feeling ko talaga 2days ako hndi nakakain as in nginig sa gutom pag 12noon pa ako kakain🤣
Nung delay nako ng 9days, dun ako nakakaramdam ng symptoms unang unang naramdaman ko yung parang laging ngalay yung puson at balakang ko kala ko nga rereglahin nako tsaka napakairitable ko. Kaya nag pt agad ako tas wala pang 1min 2 lines na agad na malinaw kasi pag mismong katawan natin alam natin kapag may mali ang lakas na din pakiramdam ko non na buntis ako. Nagpacheck up ako at 5weeks at 6days na pala ako based sa tvs ko. Nung naconfirm na nga na buntis ako dun na nagstart lahat ng pagsusuka at kaartehan ko sa pagkain hanggang 15weeks. But today currently 32 weeks na🥰
ako 13 days akong delay bago ako nagpt kasi di ako kumbinsido nuon kasi sira ang regla ko kasi may pcos ako. Bago ko maisipan mag pt lagi nang masama ang lasa ko tapos may 1 time na naglalakad ako papasok sa trabaho bigla akong nalula na parang matutumba talaga ako akala ko dahil masama lang ang lasa ko nuon. May naramdaman din ako parang may malalaglag sa private part ko kaya naisipan ko nang mag pt kasi iba na talaga. Kaya yun pag pt 2 line agad na visible at nung nag pa tvs ako 5 weeks preggy na pala ako 😁
Hala! Kaya nga ako nababahala din mamsh! at 7 days delay nako pero di pa ako mag try mag PT ulit baka mga bukas para sure na baka malinaw na ung line. yang nasa pic Kasi is last PT ko Yan nung March 12
Grabe din po selan ng pang amoy ko. Dati gustong gusto ko yung pabango ni hubby, nung nabuntis ako, naduduwal ako kapag naaamoy ko na. Tsaka yunh amoy ng chicken ng jollibee, naging amoy kalawang for me. Ayaw na ayaw ko ng jabee for 9mos 🥹Naging maramdamin din po ako nun, haha tapos inis na inis ako lagi sa asawa ko kahit wala naman siya ginagawa 😂
yes mamsh! kumpyansa ako na buntis ako halos ambilis ng results 2mins+ palang Kita na positive mamsh! halos ngaung Umaga lang. thank you lord
try mo mag PT nextweek. yung sa kin nag start ako mag PT after 1week na delay, 3 days din ako nag try puro faint line lng, kaya nakapag decide ako magpa PT yung sa blood and dun nga nag positive pero after 2 weeks pa nabuo tlaga si baby yung may heartbeat na. and signs ko nun, is suka ako ng suka and laging pagod kahit kakagising ko lng hehe
yes mamsh! 8 weeks preggy na din ako today 🥰
2wks delayed ako nung nagPT kahit alam kong possible na buntis na ako. Ang sintomas ko ng 1st wk magana kumain at kumikirot ng boobs ko. 2nd wk hirap na ako sa pagkain at sensitibo na ang aking pang amoy. Galing kasi ako sa miscarriage nung 2021 kaya kako 2nd wk saka ako magPT at swak 2 solid linea talaga.
delay po ako ng 9days ang nararamdaman ko lang po noon is parang laging mabigat katawan ko tamad ako kumilos tapos may madalas ako mapagod tapos parang nafifeel na rereglahin ako kasi masakit lagi puson ko tapos may dugong lalabas pero as in konti lang hanggang sa nag pt ako positive naman
Mamsh try mo yung pink check na brand ng PT sa watsons maganda yon. Suggest ko lang din sa umaga ka mag pt or madaling araw much better para mas concentrated yung ihi mo. 7 weeks ko nalaman na preggy ako symptoms ko is pagsakit ng ulo, hindi makatulog tsaka naduduwal.
Delayed na ako 3wks bago ako nag-PT. Dun sa 3wks na yun ang nararamdaman ko is parang PMS 😅 cravings, mabigat ung puson, maselan ung boobs. Ang kakaiba lang is grabe ung antok ko. Irreg din kasi ako due to PCOS kaya di ko talaga inasahan na preggy na pala ako 😅
Sakin po. Symptoms ng magkakaron ng period. Masakit po boobs, mild cramps sa puson. Isang buwan pong ganun. Pero wala pa naman akong pagduduwal or anything. Nung mag start na ako mag 7 weeks, dun na lahat lumabas. Acid reflux, suka, duwal, food aversion, extreme fatigue.
ako po, andami ko nafefeel nasakit din boobs ko na masakit sikmura halos Araw araw sumosobra sakit niya talaga 🥺
Anonymous