1week na si baby

Hello mga mamsh? Ask kolang po if may idea kayo kung paano tumigil na magpa breastfeed kay baby. Diko napo kaya ung sakit ng boobs tsaka sugat sa mga nipples ko. Di din kase gusto ni baby sipsipin mismo boobs ko. Kaya nagpa pump lang ako. Pero ngayon sobra sumakit ang dede na matigas. Gusto kona po magstop nalang mag breastfeed at magformula milk nalang si baby. May paraan ba para mabawasan na supply ng milk ko? #respect #firsttimemom

32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

First time mom here po. Ganian din struggle ko noon. Masakit kapag mag latch si baby tapos nag sugat din po nipples ko. Tiis lang din, tapos mag search ka po about sa tamang latch ni baby, kasi kapag sobrang sakit talaga meaning nay mali sa pag latch ni baby. Follow mo na din po yung Breastfeeding Pinays sa FB, ma encourage ka po doon mag breastfeed. Sayang ang breastmilk 🥲. Npaka sustansya po ng milk natin, mommy.

Magbasa pa