32 Replies

Normal po na medyo masakit pa ang latch ni baby. Ganyan din ako after cs operation nagtry ako magpa breastfeed, masakit sa 1st week hanggang sa 2weeks kasi di ka pa sanay. Eventually mawawala din yung pain. Naka mixed feed kami nun 1st to 2weeks ni baby. Ngayon pure breastfeed na siya. Na overcome ko yung pain. Kaya mo yan mommy.

yung oain ng breastfeeding ay dahil sa di tamang position ni baby at paglatch. dapat di po masakit ang pagpapasuso.. ang mafifeel mo lang dapat ay slight tugging o banat pag nagsusuck na si baby pero di dapat masakit.. watch ka ng mga videos for proper positioning and lactation techniques..

Kaya po yan mie. Tiis lang sa sakit. Halos more than 1 week din akong namilipit as in every dede niya sa akin napapaiyak talaga ako sa sakit hanggang after that week nawala din ang sakit. Pagdating sa pump naman mie hanapin mo ung correct size para hindi din sumakit

Sa flange size mie. Search ka po sa net if how to measure po para makuha mo ung flange size mo. Actually hindi pa ako gumagamit ng pump. Unli latch ako kay lo,plan ko siya gamitin before ako bumalik sa work. Medella manual breast pump ung akin. I choose medella din para in case na hindi corect size ay mapapalitan ko ng ibang size sa kanilang online store. Kaya mas oke makabili po kayong pump na accessible lang ung accesories hindi mahirap hanapin. Un po mie make sure correct size para hindi sumakit at makakatulong din un para makakuha ka ng mara raming gatas.

problem ko din yan mag 1yr.old na baby girl ko pero ayaw dumide ng formula kahit anung pilit ko.Ayos na lng din sa akin at ang mahal ng formulamilk ngaun ☺️Kaya tiis na lng hanggang sya na mismo ang umayaw. Pero sa umpisa lng yan mii,tiis lng gang maenjoy mo na din☺️

Tiis lang mi, masasanay din may latch si baby pag puro sa'yo dumede, ako mga 1month bago nawala sakit sa breastfeed. Very healthy ng breast milk at libo libo matitipid mo. 8months na baby ko exclusive breast feeding. Laki ng tipid namin.

mag nipple shield ka mommy para gumaling mga sugat ng nipple mo kong dmo na kaya ung sakit, Un kasi ginawa ko at shala left na dede ko ay lubog ang utong kaya nag nipple shield din ako. Wag mo itigil pag papadede sayang naman 🥰.

Hays kung pwede lang makipagpalit ng boobs. Sakin na lang boobs mo. Mas gusto ko breastfeed si baby kesa formula kaya lang ang bilis nawala ng gatas ko 😥

Maaring mali po ang position ng pag latch ni baby..napanood ko po yan sa isang pediatrician.tiis lang mamsh,maganda ang breastmilk for babies.

ganyan din ako mamsh kaya tinigil ko sobrang sakit diko matiis nag puro pump nlang ako. hanggng mawala ung milk ko kaya formula nlng c baby

ako din mamsh sobrang sakit nung una pero habang tumatagal masasanay ka din at saka mawawala din yan hehehe tiis2 lang mamsh AJAaaaa...

Trending na Tanong

Related Articles