32 Replies
Sa flange size mie. Search ka po sa net if how to measure po para makuha mo ung flange size mo. Actually hindi pa ako gumagamit ng pump. Unli latch ako kay lo,plan ko siya gamitin before ako bumalik sa work. Medella manual breast pump ung akin. I choose medella din para in case na hindi corect size ay mapapalitan ko ng ibang size sa kanilang online store. Kaya mas oke makabili po kayong pump na accessible lang ung accesories hindi mahirap hanapin. Un po mie make sure correct size para hindi sumakit at makakatulong din un para makakuha ka ng mara raming gatas.
sa una lang po masakit. tiis lang ho talaga. eventually, pag gumaling na si lo mag-latch at pati kayo masanay na, hindi na yan. ako nun, mangiyak ngiyak sa sakit tas kakunti lang ng gatas ko pero inisip ko lang na breastmilk ko dapat ang inumin ni baby kaya tiniis ko talaga tas ginawa ko rin lahat ng way para dumami talaga milk ko gang sa ma-meet ko ang demand ni baby. tho nasa inyo pa rin naman if ayaw nyo talaga mag breastfeed. kanya kanyang preference din naman. sabi nga nila, fed baby is best. no judgments. π
First time mom here po. Ganian din struggle ko noon. Masakit kapag mag latch si baby tapos nag sugat din po nipples ko. Tiis lang din, tapos mag search ka po about sa tamang latch ni baby, kasi kapag sobrang sakit talaga meaning nay mali sa pag latch ni baby. Follow mo na din po yung Breastfeeding Pinays sa FB, ma encourage ka po doon mag breastfeed. Sayang ang breastmilk π₯². Npaka sustansya po ng milk natin, mommy.
Hi Mi sa una lang tlaga masakit ang breastfeeding, ako din sa first 3 weeks ng Lo ko sobrang sakit kpag nag lalatch si baby umabot sa point na nilagnat ako dahil pinangigigilan niya na ung nipple ko kinakagat ng gilagid niya at hinihila, naisip ko din mg formula pero nanaig sakin ang pagiging nanay sa awa ng diyos 2 mos na siyang breastfeeding, iba parin ung sa pakiramdam kpag sayo dumede si baby π kaya mo yan
Mie e continue mulang yan ganyan din ako namaga nga yunh boobs ko tas pina dede ko nalang kahit nagdugo na talaga para lang sa baby ko pero ngayon nakaka sad kasi nawala yung gatas bo choice nagformula nalang yung anak ko ngayon ang sarap sa feeling na breastfeed mie kung di lang talaga nawala gatas ko ay sus bahala na ang pagod bsta mapadede lang ang anak mo.
ganyan din ako mi, nagsugat din Yung nipples ko 4days after ko manganak Kaya nag pump ako. pero ginamot ko Ng pinakuluang dahon Ng bayabas Yung nipples ko para gumaling agad. Tas Nung gumaling na pinadede ko ulit si baby Kasi mas maganda parin pag breastfed si baby Kasi iwas hassle sa pagtimpla pag Gabi tas iwas gastos pa hehe Ngayon 23days old na baby ko π
sis sa una lang yan masakit, mawawla din yan. Napaka ganda ng breast milk lalo na now na pandemic pdin. Pero if afford nyo naman mag formula milk nasainyo na yan. Jist imagine the cost ng formula milk compared sa breastfeeding napakalayo. Sabi nga ng Pedia namin now, Kahit mayaman mas gusto breastfeed mas healthy na tipid pa.
mahirap sa umpisa, umiiyak ako nun kasi nagsugat nipples and konti lang milk. si baby, mas ginugusto magdede ng expressed milk ko from the bottle. pero nag unli latch lang ako sa kanya, I limited the bottle sa gabi para makapahinga ako. ngayon, mas lumakas milk ko and mas nagustuhan na niya magdede sa akin. higit sa lahat, tipid din.
sakin sis cs ako and after 1 week pa dumating gatas ko nung dumating ayaw na ng anak ko dahil mas gusto na niya formula milk nag pump din ako at pina pa dede ko kay baby kaso ayaw talaga niya bago ko sinukuan yung pag papa breastfeed ee ginawa ko lahat kaso yung anak ko na mismo may ayaw, kusa nawala yung gatas ko lalo na nung di na dedede
Ganyan din ako momsh.. tiis lang talaga. Iwarm compress mo ang boobs mo para mabawasan ang sakit at paninigas.. Mag 3months na sa dec. 24 si baby, di na masakit boobs ko momsh. Pls. wag kang sumuko.. sayang naman kung titigil ka sa pagpapabreastfeed, may breastmilk ka naman. Napakadaming benefits sayo at kay baby ang breastfeeding.
Anonymous