NewBorn Screening Result

Hi mga Mamsh ask ko lang merun ba dito sainyo na hindi pa nakukuha ung new born screening resukt sa hospital? 8 months na baby ko going to 9 this month hindi pa namin nakukuha ung NBS Result every friday lang kase schedule ng pag kuha then pag kukunin na namin cut off na or sarado.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Share ko lng po mga Moms. Kung kayo po ang nakaexperience nito, ano po magiging reaction nyo? LONG POST AHEAD... Sa time ng panganay ko, nung pina newborn screening nmin siya, 1 month bago namin nkuha yung result.. sa isang lying-in clinic lng ako nanganak at walking distance lang yun mula sa bahay namin. Papunta kami sa talipapa ng sister ko at naisipan nalang namin daanan yung result kasi along the way naman. Dahil first time mom(that time) wala talga ako idea para saan yung newborn screening. Nang ibigay sakin ng staff yung result, out of 5 or 6 tests na nandun ay nagpositive ang baby ko sa G6PD. Eto ako namang si mangmang😅biglang tanong sa staff(medyo bata pa, early 20s lng) "miss, ano po yung G6PD? Positive po kasi ang anak ko." Ni wala man lang babala, o hinay hinay, bigla niya kong sinagot ng "ay naku maam! magiging ABNORMAL ang anak nyo paglaki" simpleng sagot niya na parang tipong chumika lang ng chismiss. Nang marinig ko yun, grabe! parang humiwalay ang spirito ko sa katawan ko, 😱😱😱😱 pakiramdam ko hindi nako katapak sa lupa, hindi ko na rin narinig ang iba niya pang sinabi. buti nalang kasama ko yung kapatid ko,hindi ko alam kung paano na kami nakauwi ng bahay..Umatungal ako ng umatungal habang karga ko baby ko at sinasabi sa kanya na, "Kahit anong mangyari, mahal na mahal ka ni mama, aalagaan kita hanggang paglaki mo😭😭😭" Kinagabihan nang dumating asawa ko galing sa trabaho, nadatnan niya kong kargakarga yung 1month old baby namin habang umaatungal ng iyak😭😭😭 Mixed emotion naramdaman ng asawa ko.at yun din nakita ko sa mukha niya. Di niya raw alam kung matatakot, kakabahan o matatawa raw siya sa itsura ko😅 muka raw akong aswang umiyak😂😂😂 " My dear, si Sofie, magiging abnormal paglaki"😭😭😭 sumbong ko agad sa asawa ko. Kinuhaan niya ko ng tubig at pinainom ng sa ganun kumalma ako. Nung mahimasmasan ako, story telling nako sa kanya kung ano ang naging ganap. after nun, niyakap niya ako habang tumatawa, "Kawawa namn tong asawa ko, oh eto kinse, pumunta ka ng computeran at mag research ka ng tungkol sa G6PD nang makasigurado ka." mga wala pa kming smart phone that time kaya need talga pumunta ng computer shop. Sa subrang shock ko, hindi ko.na rin naisipan yung suggestion ng asawa ko. pinangunahan na talga ako ng pagkabigla, natanong ko tuloy sarili ko kung anong pagpapabaya ang ginawa ko nung nagbubuntis pa ako at bakit magiging abnormal ang anak ko. To make it short, if ever positive talga ang baby nmin sa G6PD, may mga pagkain na bawal siya, but not to the extend sa point na katulad ng sinabi ng staff. Naku, nung nalaman ko talaga ang tungkol sa G6PD, parang gusto kong balikan ang staff. 😤😤😤 Kung alam niya lang ang pag aalala na binigay niya sakin.. Gigil na gigil talga ako. Sa ngayon, lumaking healthy namn si Sofie, lahat din ng pagkain, kinakain niya. ang sabi, dapat nag pa confirmatory test kami nun para masabing positive talaga siya, kaso di namin ginawa kasi ang mahal. PinasaDiyos nalang namin..

Magbasa pa
5y ago

Buti di mo nasampal sa pagkawalang preno ng bibig ng staff na yun. Kung maka abnormal siya. Baka siya ang abnormal.

Sakin naman sabi sakin nung kumuha ng NBD ni baby if walang txt na nareceive ibg sbhin normal ang result . At pag my na received na txt o tawag na pinapabalik po, usually un ung mga my problema kaya need personally kausapin ang parents para ma orient sila.

VIP Member

Baka pwede nyo po tawagan. Baka pwede kahit pa send na lang kayu ng pic myna. Yung sa akin dati pag hindi sila tumawag ibig sabihin okay lahat ng results ni baby.

5y ago

Ay not sure. Kung pwede papictureran hehe Oo nga e ang alam ko din pag may prob sa NBS tatawagn kame ng hospital so far wala nmn natawag.

Nakakaloka naman ung staff mamsh ! Makapag salita agad na magiging abnormal baby mo.Pero thanks God healthy naman si baby mo hehe

VIP Member

Ako po 😢 Naabutan kc ng lockdown. Nkktakot nmn magpunta sa ospital 😢

5y ago

Yes sis nakakatakot talaga.Ok lang naman siguro wag muna kunin if wala namang narereceived na text na may problem ang baby diba from ospital.

ako po hanggang ngayon 4months na LO ko.