17 Replies
I feel you. Nung nag 1yr ang anak ko grabeng picky. Gusto nya lang lugaw. Yung sobrang durog halos ang pagkakalugaw. So ayun,araw araw ko syang pinag lulugaw hanggang sya mismo nasawa. Unti unti ko syang inintroduce sa kung ano anong food. Kahit iluwa nya try lang uli. Minsan kasi nabibigla lang din sila sa texture at sa lasa (may lasa yan for them kahit walang timpla). Kelangan lang masanay talaga sila tsaka make sure gutom sya before mo bigyan ng food. Pero kung ayaw talaga wag pilitin para di maging traumatic for them ang feeding time. My days talaga na ayaw kumain ni bagets. Tsaka kabilin bilinan ng pedia,isabay natin satin ang meal time nila. Kesehodang di tayo makakain ng bwelo. Dapat mag karon talaga sila ng oras ng kain. Makikita mo na lang,gusto na nyang itry lahat ng kinakain ng matatanda.
Same prob with my daughter momsh. Nung below 1 yr old sya fave nya tlaga gulay walang pili, it started na nag ayaw sya sa gulay noong kumakain na sya ng mga sweets. Ngayon I keep offering her pero ayaw pa dn, gusto nya lang potato and kalabasa pero konti lng knakain. More on fruits and milk lng sya hndi din kumakain ng rice. Sabi naman ni pedia keep offering lng pero wag pilitin pag ayaw, as long as kumakain naman kahit konti kasi on her age 18 months meron tlagang mga bata small portion lng knakain.
same goes with my daughter. kaso cariño brutal ako. since Hindi nmn kmi mayaman Kung ano meron Yun lng. 😁 sapilitan Kung sapilitan. offer Lang Ng offer. pag niluluwa binabalik ko sa bibig Niya. or susubuan ko bago.. nasanay nmn siya at mas kumakain na. sinubukan ko wag siya pilitin.. nasayang lng mga hinanda ko Ska d rin siya nakaka Kain. para sakin ako masusunod Hindi Yung Bata..
ako din sis. nahirapan talaga kami.. so what i did was have little of the grow, glow, go food sa mga meals na. minsan ubos and meron din days di nya feel. so thats where the milk comes in. yung veggies we steamed it or mixed sa soup. sometimes i mash the veggies. sometimes not. sometimes pasta or noodles.
mag search ka ng mga vegies na recipe mommy, then kng pde gawan ng shape un food much better pra magusthn ni baby... sa youngest ko ksi cnanay sya from the start na puro vegies as in wlng lasa boiled lng kya ndi sya ngng picky eater... ndi ko dn sya sinanay sa cerelac more on fruits and vegetables sya...
sa experience ko naman.... try different kinds of food most ung may sabaw... ung inakay ko kasi he doesn't like pork ... fish nilaga or upo... minsan naman I made him squash fries or pancakes na maliliit... ung bite size lang...
picky eater din baby ko ..ayaw nya din ng mga soft food halos pili lang kung kumain sia ng soft.. pero pag dating sa mga gulay halos wala naman akong problem kasi kahit mapait kinakain parin niya like ampalaya 🤗🤗🤗🤣🤣
same with my son🙃..kaht na anong gawin ko at ipakain ko.ayaw tlga.milk at fruits lng dn ang gusto..kung ano ano nlng pinpakain😐..basta ang importante d siya sakitin...
durugin mo sis tas halo mo sa mga sabaw. ako ung anak ko po 4yrs old na ganun pdin dnudurog ko mga gulay tas sabaw lagi kasi mabagal kumain at choosy itlog lng gsto.
try niyo po lagyan ng hugis or shapes ang mga vegies. like po carrots patatas.. egg na paheart.. tyaga lang po mommy.. makikibagay lang tayo sakanila dahil bata po.
Cess Alipis