Pagligo ng CS Mom

Mga mamsh ano ba dapat gawin? 😣 ano ba dapat sundin? DOKTOR o PANINIWALA NG MGA MATATANDA? Nanganak ako nung April 8 thru CS. Inadvice naman saken ng ob ko na pwede na ko maligo nung paglabas ko ng hospital basta wag lang basain yung sugat. Ngayon dahil nasa probinsya ako, alam naman naten ang mga matatanda, maraming kuro kuro. BAWAL PA HANGGAT DINUDUGO/WALA PANG 1 BUWAN, PUNAS LANG MUNA NG MALIGAMGAM NA TUBIG. Sa totoo lang ilang beses na ko sumuway, sa init ba naman ng panahon jusko po saka hindi ko matiis. Kaso simula nung naisugod ulit ako sa hospital ilang araw lang din nung makalabas (say ng dr Highblood ako, say ng matatanda binat), bantay sarado na ko. Kating kati na ko maligo jusmiyo 🤧😭 puro punas lang ginagawa ko (atleast walang libag diba? 😂) ano ba dapat gawin?

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

follow ur dr momsh sila ang may experties especially prone kasa infection. mapanormal or cs man okey lang maligo agad pinaliligo din ako ng dr ko noong nanganak and naligo din naman agad ako malamig pa na tubig pinanligo ko para mafreshen up ako sobrang lagkit kasi ng pakiramdam after manganak no hehe. Lalo nowadays sobrang tindi na ng init factor at may covid pa kaya maligo ka para safe din si baby sa virus and bacteria. Stay safe po and get well. 😘

Magbasa pa