Pagligo ng CS Mom

Mga mamsh ano ba dapat gawin? 😣 ano ba dapat sundin? DOKTOR o PANINIWALA NG MGA MATATANDA? Nanganak ako nung April 8 thru CS. Inadvice naman saken ng ob ko na pwede na ko maligo nung paglabas ko ng hospital basta wag lang basain yung sugat. Ngayon dahil nasa probinsya ako, alam naman naten ang mga matatanda, maraming kuro kuro. BAWAL PA HANGGAT DINUDUGO/WALA PANG 1 BUWAN, PUNAS LANG MUNA NG MALIGAMGAM NA TUBIG. Sa totoo lang ilang beses na ko sumuway, sa init ba naman ng panahon jusko po saka hindi ko matiis. Kaso simula nung naisugod ulit ako sa hospital ilang araw lang din nung makalabas (say ng dr Highblood ako, say ng matatanda binat), bantay sarado na ko. Kating kati na ko maligo jusmiyo 🤧😭 puro punas lang ginagawa ko (atleast walang libag diba? 😂) ano ba dapat gawin?

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Tiis tiis muna momsh. Cs din po ako at hindi po agad ako naligo dahil sa mga kasabihan at tau naman din po ang inaalala ng mga mahal natin na nasa paligid natin. Kaya wag po sana sasama ang loob natin if pinagbabawalan muna taung maligo or if anu po muna bawal natin gawin or kainin. Ako po nun after 10 days pa ko bago naligo kasi hinihilot po ako nun, ang pinangpaligo sakin nun pinakuluan na bayabas at pinaupo pa po ako ng ilang minuto para mainitan ung pwerta ko. After po nun hindi po agad ako araw araw naliligo po, nagbilang po ako ng araw bago ulit ako naligo, like ng after 10 days po naligo na po ako, then kinabukasan punas po muna ulit then nagbilang po ulit ako ng 9 days tapos ligo na po ulit then bilang naman po ulit ng 8days bago ulit maligo then 7days, 6 days and so on. Gang sa naging 1 day nalang at un, araw araw na po ako naligo. Pero nasa sau pa din po un momsh if susundin nyo po ung paniniwala, kasi mas mahirap po magkasakit ngaun lalo na po bagong panganak ka po. Godbless po!

Magbasa pa