Pagligo ng CS Mom

Mga mamsh ano ba dapat gawin? 😣 ano ba dapat sundin? DOKTOR o PANINIWALA NG MGA MATATANDA? Nanganak ako nung April 8 thru CS. Inadvice naman saken ng ob ko na pwede na ko maligo nung paglabas ko ng hospital basta wag lang basain yung sugat. Ngayon dahil nasa probinsya ako, alam naman naten ang mga matatanda, maraming kuro kuro. BAWAL PA HANGGAT DINUDUGO/WALA PANG 1 BUWAN, PUNAS LANG MUNA NG MALIGAMGAM NA TUBIG. Sa totoo lang ilang beses na ko sumuway, sa init ba naman ng panahon jusko po saka hindi ko matiis. Kaso simula nung naisugod ulit ako sa hospital ilang araw lang din nung makalabas (say ng dr Highblood ako, say ng matatanda binat), bantay sarado na ko. Kating kati na ko maligo jusmiyo 🤧😭 puro punas lang ginagawa ko (atleast walang libag diba? 😂) ano ba dapat gawin?

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello mama..hndi naman ako CS mom pero 2018 inoperahan din ako just like CS talaga due to ectopic.Sa experience ko,sinunod ko ang ob nung sinabi niyang maligo ako.Naliligo talaga ako mommy and ok na ok ako.Tingin ko mas alam ng ob po kung anu mas maganda satin and beside,importante po ang hygiene natin lalo ngaung tag init po.Mas delikado po pag hndi naliligo mas lalapitin po tayo ng germs and affected din ang mood natin.

Magbasa pa