Pagligo ng CS Mom

Mga mamsh ano ba dapat gawin? 😣 ano ba dapat sundin? DOKTOR o PANINIWALA NG MGA MATATANDA? Nanganak ako nung April 8 thru CS. Inadvice naman saken ng ob ko na pwede na ko maligo nung paglabas ko ng hospital basta wag lang basain yung sugat. Ngayon dahil nasa probinsya ako, alam naman naten ang mga matatanda, maraming kuro kuro. BAWAL PA HANGGAT DINUDUGO/WALA PANG 1 BUWAN, PUNAS LANG MUNA NG MALIGAMGAM NA TUBIG. Sa totoo lang ilang beses na ko sumuway, sa init ba naman ng panahon jusko po saka hindi ko matiis. Kaso simula nung naisugod ulit ako sa hospital ilang araw lang din nung makalabas (say ng dr Highblood ako, say ng matatanda binat), bantay sarado na ko. Kating kati na ko maligo jusmiyo 🤧😭 puro punas lang ginagawa ko (atleast walang libag diba? 😂) ano ba dapat gawin?

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sabi ng nanay ko sakin 1 week daw before maligo after manganak. Tapos pinaliguan pa nya ko ng tubig na may dahon2x 😂 E kaya lang summer nung nanganak ako, sobrang init, tapos ang lagkit ng pakiramdam kaya tumakas lang ako ng ligo di ko kaya 1 week na walang ligo 1 month pa kaya😱 Ayun ingatan mo lang wag mabasa yung sugat mo para gumaling agad.

Magbasa pa