NEED ADVICE ‼️

Mga mami, okay lang bang mas madalas umuwi yung asawa nyo sa nanay nya? Samin kase kami nakatira tapos aalis sya kung kelan nya gusto babalik din sya kung kelan nya gusto. Tapos suggest ng mama nya na salitan daw yung pag uwi nya, saamin sya this week tapos next week sakanila sya uuwi. Hindi pa kami kasal, may karapatan bako mag reklamo? Diko naman sya binabawalan umuwi sakanila pero napapadalas naman na ata. Baka lumaki yung baby namin na malayo yung loob nya sa tatay nya dahin don.

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

OMG, hindi ko kaya tong gantong setup. Regardless kung kasal o hindi. Dati, bagong kasal pa lang kame, 1yr more or less siguro, umuwi ang mister ko sa Bicol dahil may sakit ung byenan kong lalake. Nag tagal din sya siguro almost 6months den kaming hindi nagkasama. Sya nag alaga. Then nung gumaling na, nagpaalam syang uuwi na saken, kaso ayaw syang pauwiin and ang sabi sakanya, kelangan daw nila ng kaagapay at kasama ganon ganyan.. To think na hindi naman sya solong anak, at may kapatid syang andon din na pede naman nang umalalay since okay na si FIL. So sabi ko sa mister ko, "ikaw bahala, magulang mo yan, pero paano tayo bubuo ng pamilya kung malayo ka". Di naman den ako pwedeng umuwi don kasi andito ang trabaho ko sa Rizal. So nagulat na lang ako, after 3 days,nasa bahay na mister ko at nanindigan sya sa parents nyang may asawa na sya at kelangan ko din sya. Sobrang naappreciate ko si hubby non, to think wala pa kaming baby non. Hindi din kasi un Mama's boy. SKL. Sa case mo sis, hindi pwedeng ganyan. Lalo may anak kayo? hindi pwedeng sila ng nanay nya ang nasusunod tas ikaw ay nag titiis sa gusto lang nyang ibigay. Sila na lang ng nanay nya magsama kamo. Kung kaya mo naman na hindi umasa sa kanya, go ahead and send him back sa mother nya for good. Ipahakot mo ang gamit. You'll see, kung talagang may bayag yan at kung talagang kelangan nya kayo sa buhay nya, babalik yan sayo. Pero kung hindi ka talaga priority nyan, wag mo nang asahan na babalik yan. Pag may anak na, dapat priority mo na ung pamilya mo, so kung hindi nya kayo kayang ipriority at ipahahati nya pa kayo sa parents nya, ay, ibang usapan yan.. Ang tunay na lalaki, may sariling desisyon at paninindigan.. Yon ang deserve nyong magina..

Magbasa pa