NEED ADVICE ‼️

Mga mami, okay lang bang mas madalas umuwi yung asawa nyo sa nanay nya? Samin kase kami nakatira tapos aalis sya kung kelan nya gusto babalik din sya kung kelan nya gusto. Tapos suggest ng mama nya na salitan daw yung pag uwi nya, saamin sya this week tapos next week sakanila sya uuwi. Hindi pa kami kasal, may karapatan bako mag reklamo? Diko naman sya binabawalan umuwi sakanila pero napapadalas naman na ata. Baka lumaki yung baby namin na malayo yung loob nya sa tatay nya dahin don.

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

mas madali pang tanggapin na overseas yung partner mo kesa narito nga siya d mo naman kasama at iba yung priority ng time ng niya😐. Nakakapikon minsan pero I used to it. Hinihintay ko na pag lumabas yung bata baka kung bigyan din sya ng schedule ng mama niya kung kelan lang sia dito pupunta samin. .Noong early pregnancy ko pa noon iniiwan lang ako mag isa sa apartment tas yung bahay nila sa tapat lang apartment ko. Hindi pa nga siya pinapayagan matulog sakin 🥺tas pag day off niya sa trabaho dapat 4 na hapon naka uwi na siya sa kanila dahil kung hindi magagalit mama niya sa kanya. To think na he is already 25 y/old. Kaya nag decide ako umuwi sa probinsya sa mga magulang ko para may kasama ako dahil kung nag stay ako ewan ko nalang. Muntik na akong makunan noon pero para wala silang paki sakin. Inuna ko muna c baby . sabihan mo yang asawa mo in the end of the day ikaw ma stress pati c baby apektado. Kung ayaw niyang makinig ea priority mo yung sarili mo tsaka anak mo kesa sa mama's boy. Pinabuntis ka niya tapus uwi uwi siya doon sa kanila. 🙄🙄 . Bisita pwede pero yung schedule na whole week andoon siya tas sayo ilang days lang.

Magbasa pa
2y ago

nakakaproud ung ganto na kinayang talikuran ung ganyan na lalaki kesa mag tiis. sana marealize din ito nung nag post na mommy.. No one deserves to be the least priority