βœ•

18 Replies

normal : around 47k nagastok ko po kasi muntik ma cs and may anesthesiologist kasi may cut pa rin na ginawa sa pwerta para makalabas ng normal delivery si baby. cs: yung friend ko. sa same hospital kami nanganak around 80k nagastos nya. pero ang initial package talaga is 30k sa normal and 45k sa cs private hospital po ito. pwede nyo naman po ask your ob ng delivery package ng preferred hospital nyo. Then magpasobra pa din ng ipon kasi dapat prepared lagi sa mga possible na mangyari.

Sa hospital na pinag checkupan ko ngayon,eto price range: SEMI-PRIVATE (TAYTAY RIZAL) Normal : 20-25k CS : 40-45k complete package na yan kasama na swab test and lahat ng bakuna ni baby at kung anek anek pa. pati mga meds na gagamitin sa hospital. pero meds pag uwe, hindi na. PUBLIC normal & CS : Free basta may Philhealth ka. Excempted din po mga gamot na kailangan mo itake after giving birth.

yes mga mamsh, Taytay Maternity po yan. you can ask them for the packages they offered. nagkwenta lang ako base sa room na kukunin ko at sa mga additionals na babayaran kaya may computation ako ng magagastos kase nakasulat din yung mga extras na babayaran. nagpasobra lang din ng konti. Btw, may 3 packages kase sila inooffer sa normal at CS delivery. humingi ako parehas just in case.

VIP Member

Ask mo din si OB mo kasi most likely may estimate siya. Depende kasi sa hospital yan. Dito sa Taguig, may free swab test for pregnant, valid for 14 days. Pati companion mo pwede din magpa free antigen. Sa MCT - normal: 73K lahat lahat na. Kaltas na Philhealth dyan. Required and swab for pregnant, antigen para sa kasama. Private room na din.

VIP Member

zero billing pag public hospital. Normal ako. Kahit wala kang Philhealth aaplayan ka nila after mo manganak. Lumapit ka lang sa Malasakit Center or DSWD. Ako kase sa DSWD lumapit. Sila ang kumuha ng Philhealth para sa akin na magagamit ko pa within 1 year. Basta lang mahaba lang talaga ang pasensya mo sa public.

year 2019 Nung CS Ako, Public Hospital. 45K total Bill, pero nagawan Ng paraan 0.00 bill nmin paglabas Ng hospital Kasama na philhealth coverageπŸ™πŸ™‚ Ewan ko lang Ngayon, hehe. 5 months preggy here, malalaman ko pa once ngpacheck na ulit sa public hospital. I Think kpg Maternity Clinic, more or less 10K bill.

ako po umabot ng 155k πŸ™„ gawa ng emergency cs at covid positive. di ako tinanggap sa unang hospital na mas mura kasi positive asawa ko, so ako din daw automatic na positive na.

130k CS private hospital in QC 5days private room, with PF and Philhealth if include mo ung kay baby total billing ko is 150k.

sa lying in ako nanganak last december. ftm din ako. 23k bill namin non. 8k nalang binayaran dahil may philhealth ako

nanganak Ako nung march public hospital Po and normal,,15k minus philhealth,3k plus na Lang binayaran ko

dito samin sa montalban rizal normal delivery - 10k (lying in) pero nanganak ako sa private hospital CS ako - 50k

pwede pong OB pa rin sa lying in. depende if need tahiin di ko po alam eh

Trending na Tanong

Related Articles