Pahingi po ng tips/help
Mga ma, paano nyo po inintroduce kay lo ang formula milk? Maghahanap na kasi ako ng work by January next year. Wala po akong maipon na milk stash kasi enough lang ung bm ko for consumption ni lo. Kahit mga 30mins na ko nag pupump, di ako nakaka 1oz. both breast. Ngayon po naka Nan OptiPro 0-6mos si lo pero laging tinutulak ng dila nya yung bote. Nilalasahan nya lang po ung gatas tapos itutulak na ng dila nya. Di naman po sa bote kasi kapag bm naman laman nung bote nya, nakakadede po sya. Pag hindi pa rin nya dinede until December 15, magchange na po ba kami ng formula milk na ipapatry sa kanya? December 15 po kasi pang 3rd week nung Nan OptiPro nya. Baka may tips po kayo dyan paano nyo inintroduce formula milk kay lo.