5 Replies
I’m a mum na hindi gifted sa masaganng breastmilk kaya formula nung 1st week si baby. Mixed sya sa 1st month. But she’s now 4 months and pure breastmilk na sya. Yes, kaya ng tyaga. Sa mga kagaya ko na hindi gifted, tyaga lang talaga. Nakakadepress, yes. Lalo na kung walang support sa paligid mo. As independent couple as we are ng husband, ung tita nya lang ang kinuha naming pwedeng katulungan namin sa bahay. And she’s so negative sa pagpakakaroon ko ng gatas. Bago pa ko manganak, lagi nya ng sinasabi na wala ako gatas at tingin nya di daw ako magkakagatas. Nanganak ako, wala akong support na nakuha from her like ung nakikita ko before sa probinsya na pag-aalaga ng matatanda sa bagong panganak para makabawi lakas at magkagatas (Un bang magluto ng may sabaw sana, hindi puro ginisang nag-uumapaw aa mantika). Mas concern nya ang formula milk. She’s so proud na mamahalin daw ung gatas ni baby. And kahit sinabi ko na need ko ipalatch ng ipalatch sakin si baby para magkagatas, mas tinatakas pa sakin para padedehin sa bote. To the point na pinagtalunan na namin ng husband ko when I told him my observations. Sa point of view na, gusto lang daw ako pagpahingahin kaya kapag natutulog ako kinukuha si baby at ng di muna ako magising. Point taken kako eh bakit kahit gising ako ayaw ibigay sakin. Meron pang time na kinuha si baby, naglock sila sa kabilang kwarto. Nung dumalaw na lang si mama (1 week after I gave birth kasi nasaktong nakatraining sya sa work) ako nakapagpalatch ng palatch kay baby. Breastfeed din daw kasi si mama noon kaya ung signals ni baby na gutom na, ibinibigay nya agad sakin para padedehin. As to food, after 3 days pagkauwi from hospital, ako na nagluto ng food sa bahay para makuha ko unh sustansyang need ng katawan ko. Yes it’s hard work. Like you have to wake up every now and then. Walang tulog, walang pahinga, but the sense of fulfilment is there. It paid off. Ngayon nakaipon na ko stash para kahit papasok na ko office sure ako di magkukulang ng breastmilk si baby. 1 thing more, pinagpipilitan ni tita bilhin ko daw ung formula milk nung kapitbahay kasi nagchange sila ng gatas (3 boxes for the price of 2). That time halos pure breastfeed na si baby kaya sabi ko huwag na dahil kaya naman padedehin si baby. Ibalik na lang kako at sabihing breastfed si baby kaya di na kunin. Ibinalik nya pero ang sabi dahil ung ibang variant daw milk ni baby ko, ung mas mahal daw na variant. I was like, hay naku ayoko na pastress sayo. Napunta din ako sa point na tinago ko ung formula milk na. Don’t get me wrong, I am not against formula milk. Gusto ko lang na breastmilk ang gatas ng anak ko kung kaya. Nandun lang ako sa point na, let me try it, help me if you can, and let me be the one to give it up kung di kaya talaga. Parang mga lyrics ng kanta ah. 😉 To mum’s out there na gaya kong mahina or walang gatas at first, tyaga lang. Gawin nyo kung anong tingin nyong tama. Kahit stressor mga kasama nyo sa bahay, kaya yan. Don’t forget to always pray! ☺️
Up
Up
Up
Up
LM