What to do?

Hi mga ma. I'm a single mother po. I have a 21 month old baby girl. Hiwalay po kami ng father nya eversince nagbuntis ako sa kanya. Then Nakilala ko po etong bago ko, Naging magkarelasyon kami, nabuntis nya ako at hindi rin nag work out ang mga bagay bagay samin. We always fight like kahit pinakamaliit na bagay lang. Masakit sya mag salita mga ma. Pero tiniis ko yun, buntis ako ayoko ma stress. 5 months ago nakipag hiwalay ako sa kanya. Ganito po kase, yung family nya pumunta dito sa bahay kahapon, kinausap ako kung pwede dun nalang daw ako sa lugar nila. Para daw mas maalagaan ako at magiging baby ko. Pero ayaw pumayag ng parents ko at kung gusto ko daw sumama sa boy. Iwan ko daw yung isa kong baby. Which is di ko kaya kase magkamatayan man di ko iiwan ang anak ko para sa lalaking yon. Kaso etong family nya pinipilit talaga na dun ako sa kanila. Naguguluhan po kase ako. Kase nakikiusap yung family ni boy na kung pwede ayusin namin ng anak nila para sa magiging anak namin. To be honest okay naman kami ni boy ngayon. Hindi kame pero casual lang kami mag usap pag tungkol sa bata. Ayoko kase mag decide na bumalik sa kanya agad agad. Kase ayoko na mangyare ulit yung dati. Baka sa una lang din kami okay at magkaroon pa kami ng mas malalang away at humantong pa sa sakitan. Never nya ako sinaktan physically pero nadedrain ako sa stress pag nakakarinig ako ng masasakit na salita galing sa kanya. Sa lahat ng masasaket na sinabe nya sa akin mga ma, isang beses lang ako sumagot sa kanya. Sabe ko "edi umuwi kana" literal na iniwan nya naman ako 5 months ago. Tapos kung mag act yung family nya na parang walang nangyare. Na gusto lang nila ayusin namin. Ako syempre gusto ko may ama yung anak ko lalo nat naranasan ko maging single mom for almost 2 years? Pero nakaka praning mag isip mga ma. Ayoko ng toxic relationship. Pero di ko naman kakayanin mag isa lalo nat mag dalawa na sila. Yung una nakaya ko yun kasama parents ko inalalayan ako. Pero ngayon? pangalawang katangahan ko na e. di na yun kaya itolerate ng family ko. 7 months preggy ako now. - Need advice ma? What should I do?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hwag mo na dagdagan pa ng isang pang stress ang nararamdaman mo.. Dyan ka lang sa pamilya mo mi. Wala ng mas makakaintindi at totoong may concern sayo kundi ang family mo lang. isa pa ang habol lang sayo ng family ng ex partner mo e yan pinagbubuntis mo. Panu naman yan si eldest mo girl pa naman kaya ayaw sayo ipasama ng family mo e kasi sila love nila yan at kadugo nila. Makinig ka sakanila mi 🤧 kung kaibigan lang kita sa personal nakutusan na kita charizzz.. At kung may concern yan si ex jowabels mo yaan mo siya maghabol nohh masyado pabebe family pa niya nakikiusap sayo.. Yaan mo sila maghabol😀 yan ganti mo

Magbasa pa

manatili ka nalang sa family mo at mag demand ka nalang ng sustento kasi pag di nila sinustentuhan yan pwede ka mag reklamo at pag labas ng bata pwede mo dalhin don sa side ni lalaki kumbaga hindi mo ipag dadamot ang bata, sa ganon less stress kna, desisyon mo ang masusunod at kung saan ka may peace of mind lalo nat buntis ka mahirap na mapa ire ng wala sa oras.

Magbasa pa