Rant. Please help

Mga Ma. Enlighten me. Sabi ng biyenan at asawa ko gawain ng nanay ang household chores. Diba basic life skillcto at hindi gender role? Sabi ng biyenan ko, kung tamad at burara at ayaw mautusan ng asawa ko kahit kausapin ng maayos, hayaan labg daw. at gawain naman ng babae ang gawaing bahay. Wala daw karapatan mapagod at magreklamo. Sabi ng biyenan ko, ang nanay ok lang daw halos walang tulog. Kasi nanay daw. Pano ko makakapag alaga ng baby ko ng maayos kung sleep-deprived ako? Ss na lang po yung iba Nagloloko kasi si app kanina#advicepls #pleasehelp #1stimemom

Rant. Please help
19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Naniniwala ako na ang mga gawaing bahay pate ang pag aalaga sa bata ay hindi lamang trabaho ng nanay. Diba nga sabi nila, parehas nyo ginusto yan. Nagsasama kayo kaya parehas dapat kayong kumikilos sa bahay. Ang pag aasawa, tulungan yan at hindi tokahan. Partners kayo ng asawa mo… pinakabest dyan magheart to heart talk kayo ng asawa mo momsh. Di din naman maganda magnag lagi. Mas okay mapag usapan ng mahinahon at dapat kayong mag asawa lang makakaalam if may di kayo pagkakaintindihan. Para di na kelangan makisali ng ibang tao. Be a good model sa anak nyo. Habang maaga pa.. ayusin nyo ni mister para mas maging maayos ang pagsasama nyo and si baby lumaki na may masayang family.

Magbasa pa

Hi momshie. Ang masasabi ko lang is, you and your husband should agree on your set-up. Kasi, sa case namin ng asawa ko, when we were still living with my parents, hindi talaga minsan maiwasan na may mga comments sila in terms of marriage at pag-aalaga ng bata. Nong una may mga old practices pa silang sinasabi na dapat daw ay ginagawa or di ko ginagawa. But when I explained to them na we agreed ng husband ko on these things, di na sila nagbabutt-in or anything. In your case si hubby mo dapat nagpapaliwanag at bumaback-up sa iyo. I hope you could talk with your husband and you could agree on major aspects ng marriage and parenting.

Magbasa pa
3y ago

opo. totoo. may mga biyenan po talaga kasi na madami side comments lalo kung nasa iisang bubong kayo tapos kung nagbibigay pa mga asawa natin sa mga magulang nila

Kausapin mo po husband mo na sabihan mama nya na wag makialam sa buhay nyo mag asawa. Tapos pag usapan nyo kung anong gusto nyong roles nyo sa bahay nyo. Dapat magkakampi kayong dalawa hindi yung parang ikaw yung kalaban ng mag ina. Pakinggan mo rin side ni hubby mo kung ayaw nya mag linis at least wag mag kalat kasi hindi ka katulong na taga linis nya asawa ka. Kanya kanya kasi yan ng pinaglakihan totally magkaibang tao kayo at iba ng pamilyang kinalakihan kaya pareho kayo mag adjust dapat. Wag mo rin expect magbabago siya agad agad.

Magbasa pa
3y ago

Mommy, Sya pabang nagsusumbong sa mama nya

kung ayaw kang tulungan ng asawa mo, hingi ka na lng ng pera pampasweldo sa kasambahay since ang "role" ng ama ay may bigay ng pera. 😬😆 but seriously, hindi na dapat makialam ang MIL mo sa roles nyo mag asawa. pero sana un asawa mo may pagkukusa na tulungan ka. anyway, kausapin mo na lang asawa mo ng mahinahon para di ka nagger sa paningin nya. 🙂🙂🙂

Magbasa pa

Mali po ang ganun. masyado naman pong kinukunsinti ng biyenan mo ang anak nya. pano pong matututo ang asawa mo nyan ? parang di naman po sya dumaan sa ganoong stage. magiging nanay pa lang po ako pero based sa sinasabi mo po mali na. dapat po bukod na lang kayo para kahit ano sabihin ng biyenan mo, hindi mo maririnig. nakakastress po ang ganyan.

Magbasa pa

yan ang hirap pag ang biyenan ay nakikialam..😪😪 lalo na pag nsa poder ka nla.. For sure matuturuan mo asawa mo na kumilos kung wla kyo sa poder nla.. Kausapin mo ng maayos asawa mo momsh kc iba na po ngayon..dpt po nagtutulungan..mahirap pag ganyan na nakikinig prn sia sa inlaw mo eh sana kung sa ikabubuti nio eh prang taliwas po eh..

Magbasa pa
VIP Member

Napaka old school naman ni biyenan. Ang marriage is a partnership. Ang responsibility sa bata, sa bahay, at sa marriage, ay equally split. Ngayon kung sinasabing nag wowork na kasi si mister chuchuganunganyan well that's his obligation to his family to provide bonus na kung si misis ay madiskarte at kayang kumita din from home.

Magbasa pa

Dpat po both kayong nagalaw sa bahay. Un asawa mo ba my kapatid na babae? If meron ask mo un biyenan mo if gsto ba nya na ganung dn ang mangyari sa anak nyang babae na pagurin lang ng asawa nya sa lahat ng gawaing bahay?... Wala xang pakealam if mapagod ka.. Iniispoil nya anak nya. Pamilyado na eh..

VIP Member

nasa asawa mo Yan momsh very lucky Ako Kasi ung asawa ko marunong sa gawin bahay all boys sila na train silang lahat sa Gawain bahay halos lahat sila mag kapatid marunong mag luto, nasa pag papalaki Yan Ng nanay nila tinotolerate silang tamad sa bahay.

3y ago

True mamsh. Tinotolerate talaga. Yang asawa ko at bunso nilang babae, pag tamad hinahayaan lang :(

2021 na kamo. wag na kamo sya masyadong old style. tsaka kausapin nyo po ang asawa nyo, kasi kung gusto talaga tumulong nyan, kahit sabihin ng byenan nyo yan, hindi nya yan papansinin.number one na problema mo po dyan ay ang asawa nyo.