blood sugar

hi mga ma. di ko po alam kung paano gagawin ko. ob pa lang po ang nagconfirm na gdm po ako, yung endo po sa katapusan pa po ang check up kasi yun na lang po yung sched na meron. nag check ako ng sugar pagkagising ko 61 lang ang lumabas. after lunch ko naman 117 which is normal, di ako nagsnack ng hapon kasi nagpacheck up ako sa ob I was out for about 3 hrs tas pagkauwi nakatulog ako. nagdinner ako then after 2 hours nagcheck ako ulit ng sugar biglang baba ng 42. 1st day ko pa lang ng whole day na monitoring. kahapon naman nung nagcheck ako random normal ang nakuha kong result. nirerestrict ko na sarili ko kumain ng madami, para macontrol sana pero ito pa nangyayari. paano po ba to? ftm po kasi ako tas gdm pa kaya nangangapa po talaga ako :(

blood sugar
11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sobrang baba ng sugar mo sis, delikado dn ung sobrang baba. Nag iinsulin po ba kayo or nag cocontrol lang? Okay lang naman kumaen ng kumaen wag lang matamis and wag laging kanin. Sa prutas dn, limitahan mo lang kain, like 1 to 2 apples a day, pero wag ung 2 apples agad sa isang kainan, may sugar dn ang prutas. Iwasan ang sweets, carbohydrates saka ung nga mahaharinang pagkaen like tinapay. Wheat bread pede. Kelangan normal lang sis pero wag naman ung sobrang baba.. Baka wala na dn makuhang nutrients baby mo niyan. Proper diet sis pero wag ung di ka na kakaen.. Gawin mo every meal, 1/2 rice, veggies, meat/fish mga ganyan.. kaen ka ng mas maraming protina para di ka kaagad magutom.

Magbasa pa
5y ago

I have GDM din po. Mali po pala iyong kakain ka kapag gutom na..dapat nasa oras po ang pag kain. 7 am breakfast, 10 am snacks (diabetasol+ 2 pandesal) kahit busog pa po. 12 noon lunch..3 pm snacks(diabetasol+ 2 slices of bread) 7 pm dinner. 9 pm snacks (diabetasol +soda cracker)..ginawa pong diabetasol ang anmum ko. 1 rice and matchbox size po ang ulam..unli po sa gulay. Ganyan po meal plan binigay nang dietecian ko po.