16 Replies
Yung fingers po ng both hands ko masakit din ng bahagya parang ngalay. Pinatanong ko po sa PT ng asawa ko kung pwede kong ipatheraphy, hot compress lang daw. Try mo mi sa hot compress. Hindi ko pa ginawa kasi hindi naman ako naabala pa. Nafifeel ko lang yung sakit pag iniistretch ko mga daliri ko.
akala ko, ako lang nakararanas niyan, may 1 month na po yatang nararamdaman ko na may parang naipit na ugat din po sa may hinlalaking daliri. pinahilot ko na po pero hindi pa rin po gumagaling siguro dala po ng pagbubuntis. babalik na lang din po sa dati kapag nakapanganak na.
i guess itβs carpal tunnel syndrome po mamsh which is natural sa mga preggy na makaramdam ng ganyan and na experience ko siya. try to use wrist band super helpful siya. and para ma aware ka about carpal tunnel syndrome you can watch mamsh sa youtube β€οΈ
yess po , ako dn pag pasok ng 3rd trimester ko ,. ndi q na sya mahawak sa mga bagay bagay pakiramdam na pilay yung mga kamay q .manhid may.tusok tusok until now 35 weeks preggy hirap padn kamay q .. maga dahil sa manas
carpal tunnel syndrome po, normal lang daw sa mga nagbubuntis. Pero mas malala akin after ko manganak sobrang sakit yung sa bandang baba ng hinlalaki ko. Siguro dahil na rin sa mga turok sa hospital.
Ganyan din po ako minsan. Twice ko na po ma experience. Igalaw galaw mo lang po sya. Pwede pong nadadaganan mo po sya kapag natutulog ka. Mawawala din po yan. Ikaw din po mommy imassage mo sya.
Pwede ka magpa massage mommy pero dapat pre natal at nagmamasahe talaga sa buntis. May mga pressure points kasi sa katawan natin, try mo lang mag hot compress muna. God bless π
kmusta po bp mo momsh? ganyan ako last month nalaman ko mataas BP ko. may maintenance na ako now reseta ni OB. nawala nman sakit ng daliri ko. more water rin po. #8monthsPreggyHere
Ganyan po yung saken simula pumasok 3rd trimester. Yung pag gising ko sa Umaga halos di ko nagalaw mga daliri ko naninigas. Normal lang naman daw po sa buntis.
Same din sa akin, mommy. Sa baba ng left thumb at wrist... nangangalay siya o kaya nangingilo. Minsan pa nga di makatukod ang left hand ko sa sakit...
Yes po ganyan na ganyan din ako di makatuon hindi rin makapiga π
tin.c