Hi mommy! 15 weeks po ako nung nakitaan din ng contraction, pinainom lang din ako ng pampakapit for two weeks then balik sa OB. Bed rest lang din po ako, wag masyadong umupo ng matagal, wag sasakay sa tricycle kasi maalog po yan, nag ingat din po ako sa mga kinakain ko, more fruits. Kapag naiihi, ihi agad, laging dahan dahan lang sa pagtayo sa pagkakaupo. Iwas stress din po, hindi po maiwasan mag overthink pero nagfocus talaga ako pag iingat at prayers. Si hubby muna pagkilusin sa lahat. Hope these help po 🙏