Labor Journey

Hi mga ka mate share ko lang yung labor journey ko June 21 pumutok yung water bag ko tas mga around 6pm wala pa namang sakit pero marami ng tubig lumabas sakin tas yung araw na yun maulan samin tsaka bumaha buti nalang naka labas na sasakyan namin papuntang hospital before bumaha tas ng papunta na kami sa hospital na stranded kami uli sa ibang brgy dahil baha din kaya yun stranded kami ng 3hours medyo kinabahan ako kasi ako dahil lakas ng baha at ulan tas marami ng tubig lumabas sakin. Buti nalang may mga rescue na tumulong samin sinakay kami ng fire truck para maka daan lang kami sa may baha tsaka kami sumakay ulit ng ibang sasakyan.. Sa awa ng diyos nakarating kami ng hospital around 10 na ata yun ni IE ako nang nurse 3CM pa ako kaya yun admitted na ako dahil yun nga water bag una lumabas sakin. Around 1am ng umaga di na ako makatulog kasi unting unti na sumasakit tyan ko na diko maintindihan.. 5mins interval lalo pa sumakit nung ni induce ako ng doctor ko hanggang umaga di ako nakatulog tas wala pa akong kain. Mga 9am ng umaga ni IE ulit ako 9CM na ako at gusto ko ng umire kaya yun pinasok na ako sa delivery room.. 2hours ako sa delivery room at yun panay Ire ako pero di lumabas si baby dahil taas pa niya at ayaw niya bumaba at lumabas. At ang sakit pa parang diko maintindihan ang sakit.. Kaya mga around 11 pag di daw ako manganak sabi ni doc kailangan na daw ako e CS kaya yun na CS talaga ako mga 11 kasi sa laki ng baby ko na 3.5kls at ayaw pa lumabas ni baby sa pwerta ko.. 11:50am lumabas si baby Via CS with 3.5kls.. Yung sakit na naramdaman ko nung labor ay napalitan ng saya at tuwa.. Worth it lahat.. Lalo na nakita ko na si baby at nakasama..

Labor Journey
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Grabe pinagdaanan mo sis! Happy for you & congratulations!!! ❤️