Vaccines #Teambakunanay

Mga co-parents, saan kayo nagpapa bakuna? Sa center or sa pedia? Kami ay may relative na doctor kaya mas madaling makapa bakuna pero natry din namin ang center at mas nakakatipid nga ito. Ctto#advicepls #TeamBakuNanay

Vaccines #Teambakunanay
111 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

kung gusto po tlga makatipid at sa mga walang budget sa center pwede, pero after a yr may boostering po ang mga bakuna sa Pediatric doctor npo kayo makakpagturok non dahil primary dose lang binibigay sa center. at isa pa may marami pang bakuna na dapat turukan sa baby di lang ung nasa center na 5in1 / oral polio, pneumoccocal vacinne, mmr/ mr/ measles, don nyo malalaman sa pedia ang iba pa needs. at mga boostering ng mga nabanggit ko. if may budget go to pedia po :)

Magbasa pa
VIP Member

depende po sa inyo at sa budget nyo. sa mga nagsasabi na same lng ang center at sa pedia di po yon totoo.kc ang binibigay na bakuna ng pedia ay branded kaya mahal po at sigurado kayong di pa expired.at ang doctor kasi alam na alam pano ang tamang pagturok ng bakuna at mapapansin mo na HINDI LALAGNATIN ANG BABY MO AT SA CENTER MOST BABIES NILALAGNAT AFTER MAGPABAKUNA.

Magbasa pa

Sa center since first vaccine nya until this coming January 7 maaga pumupunta pra di matagalan sa center at sa pila kc iniicip ko c baby lalo na my covid-19 pa kya after nya mabakuna pinupunasan ko sya kaagad at nilalagyan ng alcohol....

gusto ko kay Pedia dahil mapapanatag loob ko dahil nga pinag aralan nya yung industry na yon compared sa center. Hindi ko Naman sinasabi na walang knowledge yung sa center. Idk Lang talaga basta komportable ako kay Pedia.

VIP Member

Hi mommy! Sa hospital nman kami nag papa vaccine for the kids. Pero may kapatid din akong nurse so ang Anti Flu Vaccine namin saknya ko na pinapaturok. Hehe plus the anti pneumonia sya din naginject samin ni hubby. 🙂

Sa pedia. Kasi sobrang daming tao palagi sa health center. Walang sariling schedule ang vaccines ng baby. Sabay sabay lahat. Lahat ng kukuha ng med cert., magpapa-anti rabies vaccine tapos mga magpapacheck up.

sa pedia lahat.. ayaw ng asawa ko pumila kami ni baby sa center lalo na at pandemic. masakit sa bulsa pero less hassle kasi pag punta namin sa pedia, by appointment un.. antay lang onti saka di matao.

Center then yung mga wala sa center, sa Pedia. Cost cutting din. Saka ipinapaalam ko sa Pedia ng baby ko yung mga vaccines na na shot na sa anak ko, whenever we visit her sa clinic niya.

VIP Member

lahat ng vacvines for newborn to 1yo complete sa center so doon kami. 1yo up wala na sa center:( so sa pedia naman kami. laking tipid nung 1st year ni baby salamat sa Center hehe 💕

Malapit lang ang health center ng barangay namin, kung kaya't mas pinili ko na duon pabakunahan ang aking mga anak. Nakasisigurado din akong tama ang gamot ng kanilang ibinibigay.