LIBRENG BAKUNA - Chikiting Ligtas

Mga BakuNanays, napatakan na ba ng polio at naturukan na ba ng bakuna laban sa tigdas at rubella ang inyong mga anak? Libre lang ang bakuna at nag ha-house to house ang mga taga DOH at center para sa libreng bakuna. Kami naman ay nakapag-patak palang ng polio noong February 4 dahil resched ang aming bakuna laban sa tigdas ngayong February 24 dahil turning 9 months pa lang daw ang baby ko. At ang isa pa, kakatapos lang din namin magpa- PCV sa pedia namin last January 23. Mas mabuti na ipakita natin ang baby record book sa kanila para alam nila kung pwede na ipa-bakuna ang ating mga anak. Huwag natin ipagpaliban ang bakuna. Ito ang paraan para maiwasan ang mga sakit na polio, rubella at tigdas. #ProudToBeABakuNanay #HealthierPhilippines #VaccinesWorkforAll #TeamBakuNanay #chikitingligtas

LIBRENG BAKUNA - Chikiting Ligtas
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Schedule din namin ngayon mommy! Happy tusok!