FTM baby's kick "shy type" (25weeks)
May mga baby ba talaga na behave lang sa loob ng tummy? Yung hindi masyadong naglilikot talaga hehe. Yung baby ko kasi pag naglilikot na tas pag kinuha ko phone ko para videohan yung kick nya titigil na sya sa pag kick na para bang alam nyang mag vivideo ako hahaha same ata sakin parang shy type sa camera hehe. Share nyo naman baby's kick nyo mga mommy?
Since work from home si hubby, pag nagkick si baby, parehas naming ponakikiramdaman. Actually, nag kick si baby kapag tahimik ung daddy niya. May mga times na sobrang active niya pero pag alam niya busy daddy niya, hindi masyado nagpaparamdam kagaya kanina kase may meeting sa skype daddy nya so tahimik siya ngayon pero kahapon na halos wala trabaho daddy niya, lakas sumipa. Maghapon niya ginagawa. Para bang nagpapapansin. Kapag nagsasalita asawa ko, nananahimik bigla pero gumagalaw galaw ng konti. Maka-daddy ata to haha
Magbasa paCuteee. Sa akin parang laging may kaaway sa loob 😇 mga kasama ko sa bahay nakikita tlga nila habang nakaupo ako sa sala nanonood ng tv 😉 ilang beses ko nadin navideohan at tuwang tuwa ang daddy nya pag pinanood naabutan pa naman sya ng ECQ sa work kaya gustong gusto na makauwi ❣️❣️30 weeks 😉
Ang cute naman mommy sana maglilikot pa to si baby ko ang saya pag ganun. Nangyari sakin yan isang beses lang😂 nakita ng mama ng hubby ko at kapatid nya natuwa sila hahaha nagpapapansin kasi busy kami lahat kakachika at kaka cp hahaha
Relate2 na relate here mommy. Wala tlga akong nakukuhang video. Tapos parang hindi kicker/puncher baby ko, pero gumagalaw naman. I guess that's fine, noon ngwwory ako, pero sabi ng friend ko, 'as long as she moves frequently.'
Same here mommy nag woworry ako sometimes din pero sabi nila may baby talaga na hindi masyadong naglilikot may mga baby daw talaga na behave lang sa loob nakaka inggit nga yung ibang baby sa loob ng tummy ng ibang mommy ang ha-hyper pero okay lang daw as long as gumagalaw si baby sa loob
Yes momy habang pa taas nang pa taas ung weeks mu mas lalo syang nag lilikot mga 30 pa taas ramdam na ramdam muna na parang my bola na na ikot sa taas nang tyan mu dimo lang malalaman kong anong part nya ba un nakaka tuwa.
Ang cute, I can't wait na mommy sana maglilikot to bigla pag pataas ng pataas na weeks ni baby😂 nakabitin kasi ibang kicks nya na gusto mafeel ni daddy kahit usap everyday ni daddy si baby ayaw nya talaga mag kick sa daddy nya😂
Same tau sis ..video ko din sana galaw nya para makita ng asawa ko..ayaw nya magpa video😂😂😂😂 pero pag hindi muna hawak cp mu doon sya panay sipa at suntok..baby girl akin 6months na sya bukas😊
Ok lng yan sis basta alam mu nagalaw sya healthy c baby
Yong baby ko hindi din malikot at may oras ang galaw nya. Hanggang ngayon na 17 months na siya behave pa rin. Mahinhin nga daw sabi nila.
Nakaka worry minsan momsh no?😂
Haha same mommy pag di ko Pa balak evideo mlikot pero kapag hawak ko na phone ko at vvdeohan sya natigil nakakautas tuloy hahahaha 🤣
Hahahaha nakaka inggit tuloy mga nag mamy day sa mga baby's kick nila mommy no?😂
Same, ilang beses nakong nag balak video han sya wala e ayaw nya mag likot, pag hnd kona hawak phone ko tska ulit mag lilikot
Iba din sakin mommy pag busy ako sa phone parang nakikiramdam sya pag busy ako kakachat panay galaw nya pero pag naisip ko na videohan sya kasi wala na akong magawa tatahimik na sya😂😂
Same po tayo mommy 🤣 kaya ang ending wala akong kavideo video nya pag sumisipa 😅😅
Hahaha minsan nga mommy pag hawak ko phone ko kinukulit ko sya sa loob pero ayaw talaga nya magkukulit lang sya pag busy ako sa phone madaming ka chat pero pag wala nakong ginawa at gusto ko na syang videohan ayaw na nya sumipa😂😂 hindi ata friendly sa camera
Ako rin ganun dati bat now 36weeks na ako subrang likot na wala nang tulog.
Maglilikot pa ba to ng maglilikot baby ko momsh? May araw kasi na parang panay sipa nya lalo nat natutulog na ko may araw di na di sya naglilikot nakaka worry lang hehe
Preggy and First time Mom