MAY SIPON AKO 6 MONTHS PREGGY NA

Hello mga 1st time mommies! may sipon po kasi ako at everytime na aatsing ako sumasakit po ang tiyan ko at dibdib😭 and hirap din makahinga. Ano po kayang pwede remedy sa gantong situation mga mommies?😢#6monthspreggy #siponatlagnat

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako naman my nakaraan sisipunin ako tapos ayun natuluyan , after nun nilagnat ako .. tapos nawala lagnat ko tapos bumalik nanaman , tapos nawala , bumalik ulit ngayon naman ubo at sipon , tapos parang babalik pa ulit lagnat ko.. Ininuman kona ng paracetamol , hirap lang akse panlasa ko mapait 😢 Ito more fruits nalang muna kinakain ko .. lahat kase kakainin ko mapait.. tubig tubig lang muna ako

Magbasa pa
2y ago

mag Vit C with zinc ka po

last time sobrang lala ng sipon, ubo tapos nilagnat pa ako di ko alam kung trangkaso ba. Ang ginawa ni hubby pinalakas immune system ko pinainom ako ng ascorbic acid tapos ayon inom ng dalandan juice yung pure (pinigaan ako) after ilang days nawala siya.

nung sinipon ho aq mga more than 5 bahing din sa Isang Araw. kumain lang ho aq ng 3 to 5 dalandan, di nmn na ho aq acidic Buhat nung 2nd trimester. or try nyo din Po calamansi juice and of course more water and rest/sleep. get well soon mie.

2y ago

Thankyouuuu po!!!❤️

VIP Member

Mag water therapy lang po muna kayo Mi, Warm water then lemon masarap po sya. Kung barado nmn po ang ilong try nyo po mag suob. Mas maginhawa sa pakiramdam pag nakalabas lahat ng sipon. Sakin non 3days lang nag ok na ako. Get well soon po.

Ganyan din ako momsh. Nakailang sipon na ako at lagnat simula mabuntis ako. Thank God negative naman sa antigen. Need kasi sa OB.. Sinupret lang reseta sakin ng ob ko and super effective sya sakin 🤗 2tablets every 8hrs po.

2y ago

ilang mons. ka na po? nagreseta din ng sinupret si OB kaso natakot ako inumin

Kakagaling ko lang din sa ubo sipon. Siguro kasi sa panahon, mainit tapos biglang uulan. Nag water therapy lang ako, inom ng calamansi with hot water, tsaka oranges. 😊

ako nonq may ubo at sipon ako lemon with warm water lanq iniinom ko paq alam konq nauubo ako iinom ako nq ginawa ko...mabilis pa mawala sipon mo at ubo niyan.

Lemon at ginger lng ako mmy. and more water. halos lumuluha na din ako nun every minute. Nawala din mga 3 days.

Same tayo ngayon 6 months preggy. Ginawa ko lng kumain ako ng may vitamin C. yon kasi sinabi ng Ob ko

mag water therapy agad mi, hindi naman nakakaapekto kay baby pag bumahing

Related Articles