Needs a Mental Health Professional
Meron po kayang Psychologist or Psychiatrist dito sa community, na pwedeng makasagot sa tanong ko. It's been almost four months already after ko po manganak sa first baby ko. Fresh pa rin po kasi sa isip ko yung nangyari sa isang araw kong pagstay sa hospital at ngayon lang naisip ko na naman. Nung nanganak po ako at nilagay ung baby ko sa dibdib ko parang gusto ko siyang yakapin na ayaw tapos nag-alangan din ako kung pwede o bawal. Pinapahawak lang kasi ako sa delivery table kaya sumunod lang ako. Diretso po ng NICU si baby kasi naparami ng kain ng dumi at kailangang imonitor. Nung kinagabihan nakiusap po ung asawa ko kung pwede kong makita ung anak namin kasi hindi ko po nakita nang maayos. Pero nung nasa NICU na ko saglit ko lang natingnan si baby (tulog at hirap huminga) kasi nakinig lang ako sa sinabi ng doktor at nakatingin lang ako sa monitor ng heartbeat. Kahit po nung palabas na ko parang hindi ko na natingnan ung anak ko. Hindi ko po alam na yun pala ang una at huling beses kong makikitang buhay ang anak ko tapos nahihirapan pang huminga. Hindi ko kasi iniisip na mamamatay siya at sumunod lang kami sa lahat ng sinasabi ng doktor nung panahon na yun. Pakiramdaman ko para akong estudyanteng pinatawag sa faculty tapos dapat makinig lang sa guro tapos bawal sumagot kasi ibabagsak ako. Nung kinausap kasi ako sa NICU opo lang ang naisagot ko, ni hindi man lang ako nagtanong. Tinatanong ko lagi yung sarili ko na bakit hindi ko man lang siya niyakap, kinausap, o kahit ipahawak man lang ung daliri ko. Bakit tumango lang ako at hindi nagtanong sa doktor. Ano po kaya itong nangyari sakin, at bakit kaya hindi ko lang man naisip gawin to nung panahon na yun? Ano pong dapat kong gawin ngayon?