Sobrang kati ๐Ÿ˜ข

Meron po ba sa inyo na nagkaganito habang buntis? Hindi din po malaman ng OB ko kung ano to. Pinagtake na po ako ng anti-histamine, pinagpalit ng sabon panligo at panlaba, umiwas sa mga malalnsang pagkain pero habang natagal nadami padin ๐Ÿ˜ข nasubukan ko nadin magpatawas kung ano nang halaman napahid ko wala padin. Hindi ako makatulog sa gabi sa sobrang kati. Umaga at gabi naliligo ako. Nung check up ko kahapon sabi sakin ni OB baka daw sa pagbubuntis ko na to. Ganun din sabi ng ibang kapit bahay. Almost 1month na kasi to. Ang dami na nya talaga pati sa mga braso ko lalo na sa hita at binti ๐Ÿ˜ขDiko na alam gagawin. Im 38weeks &4days preggy. Sana may makapag advice ๐Ÿ™ thankyou #1stimemom #pleasehelp

Sobrang kati ๐Ÿ˜ข
51 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

hello po. ako po nagkaganyan po. mas malala pa po Jan yung SAkin halos matakluban na Yung katawan ko Ng rashes. para na po akong ni lechon na baboy. ang ginawa ko Lang po 4x ako nagbabasa Ng katawan gumagamit po ako Ng mild soap. gumamit po ako Ng Grandpa's pine tar soap sa online ko po yun nabili Kasi mahirap po hanapin . tapos po. moisturizer. aloe vera gel po tapos sa gabi pagkatpos ko magwash Ng katawan. coconut oil namn po para di sya mangati ng magdamag nagbabanlaw nalang po paggising. sa nGayon po nawawala na tapos umiiwas ako sa malalansang pagkaen .

Magbasa pa

Only a Dermatologist can tell what kind of allergy ang meron kayo. kayo po siguro nag reseta ng antihistamine OB nyo. pa check po kayo sa dermatologist para malaman anong klaseng allergy meron kayo. Meron po na common allergy ang buntis Pruritic urticarial papules and plaques of pregnancy (PUPPP) rash is an itchy rash that appears in stretch marks of the stomach during late pregnancy. While the exact cause of PUPPP rash isn't known, the stretching of the skin seems to be a trigger for the rash to occur.

Magbasa pa

share ko lang po.. wag po sana matakot. nag ka ganyan po ang kapatid ko. halos sa buong katawan din. mabuti na nga lang at hindi ako nag ka roon nyan. preggy din kasi ako. nag pa derma siya at ayon natanggal din. btw. sa hospitl siya nag ttrabaho. ang sabi sakanya ganyan daw any bagong variant ng covid 19. pero dont worry mga momsh mawawala din po yan. hindi din talaga effective ng anti histamine. kasi nag pa inject na din ang kapatid ko at uminom din ng gamot waepek. try niyo nalang din po sa derma.

Magbasa pa

may puppp rash din po ako now @37weeks po tummy ko.. mild soap po gamit ko at aloe vera gel/ jeju ice 2x a day d po nwwala yung marks sabi pagkapanganak pa dw po mwwala pero nwla na po yung pangangati nia nkkatulog nako sa gabi wala pong epekto sakin yung anti histamine na nireseta ni ob .. try mo momshie.. i feel you sobrang kati po tlga nia halos magpaiyak sakin gabi gabi...

Magbasa pa
VIP Member

nagkaganyan din ako Makati Yan subra Hindi ako kakatulog Jan mag punta din ako sa Ob ko niresitahan Lang ako NG pangpahid Lang na rin ganun parin Hindi naalis Ang Kati tapos lalong dumadami hanggang buong katawan ko nagkaroon nyan eh..buntis pa ko Sabi sakin dala daw NG pagbubuntis ko..ngaun naka anak na ko nun April 21 2021 so Yun unti unti na syang nawawala ngaun

Magbasa pa

huwag niyo lang daw po kamutin. Yung sakin nagda dry na hoping na magtuloy tuloy gumaling. Ang sabi ni ob, PEMPHIGOID GESTATIONIS daw po yung sakin. Nagreseta sya ng oinment na BETNOVATE may capsule din na SONIPHEN kung ito daw ay sobrang kati talaga. Then use LACTACYD BABY SOAP daw po yung liquid. Magastos pero sulit naman sa bilis ng paggaling. Sana makatulong ๐Ÿค—

Magbasa pa
VIP Member

Pupp rashes po yan mommy, nagkaka ganan daw ung ibang buntis, akteali nagkaganyan din aq sa panganay ko at iniiyakan q talaga sya sa kati lalo na pag sobra init ng panahon, super kati nian, pero nawawala din yan after mo manganak, dimo nalang mamamalayan wala na sya 1-2 mos after mo manganak. Aktwali wala din gamot na mareseta jan unless ung sa kati2 lang.

Magbasa pa

nagkaroon ako ng mga kati kati nung 4-5months ako. afaik it's eczema. hindi ako makatulog so I tried changing soap. turns out, dove yung nagko-cause nung kati so nag safeguard ako. OB suggested buying cetaphil, yung cleanser hindi nagwork. so i bought the cetaphil lotion instead. medyo pricey, yes, pero iyon lang talaga nagpaalis nung mga nangati sakin.

Magbasa pa
VIP Member

hello. puppp rashes po yan. same tayo nagpaderma na at tawas ganun padin. walang gamot dyan sad to say. nagkaganyan ako nawala after 2 months of giving birth. ngayon dark spots nalang. kumalat yan hanggang sa braso, binti at likod ko. pag nangati dampian mo ng yelo para magnumb. wag na wag mong kakamutin kasi kalalat at lala yan.

Magbasa pa

puppp rash. like mine. 2wks ko na iniinda yung sakin. nagpa derma pa ako kasi di ko na talaga kaya. niresetahan nya ako ng cream saka lotion for the itch. pero to no avail dumadami padin sya ng dumadami. nag bebenadryl nadin ako sa gabi kasi di ako makatulog. minsan pinapahiran ko ng yelo para mag numb kahit konti.

Magbasa pa