14 Replies
Nakunan din ako nung 2021 then preggy ulit nung 2022. Around 10wks nagkaron ako ng ganyan. Tapos agad agad nagpa ultrasound ako. Then yung probe ng transv pag labas sa vag ko may bahid ng onting dugo pero normal naman tvs, okay si baby. Pinag pampakapit lang ako. Di naman nagtuloy bleeding. Di na din naman ako pinag bed rest. More on emotional/mental rest pinagawa sakin. Sobra kasi anxiety ko non dahil naiisip ko lagi what if maulit miscarriage ko. Nanganak na din ako nitong January. Take it easy mi. Pacheck agad para maresetahan pampakapit then rest ka nalang. Baka napapagod or nasstress ka lang din sa pag iisip.
baka po may subchronic hemorrhage ka mii ganyan ako nung 7weeks. buti nalang nag pa trans v agad ako (kahit walang doctor request) bago ang pinaka first check up ko. kaya nalaman din agad nung ob ko. bed rest ako buong 1st tri kasi nag spotting din talaga ko inabot until 11weeks. every ihi may brown discharge. duphaston and duvadilan niresta sakin. since lagi rin sumasakit at naninigas puson ko that time.
currently at 16 weeks na po 🥰☺️ pwede naman kahit after 7 days nalang mii. basta make sure na total bed rest ka talaga. tatayo lang pag pupunta cr at kakain. ganun kasi ako nun. halos puro higa talaga. Iwas muna mapagod at magbuhat ng mabigat. 🙂
ganyan din ako now 7 weeks and 2days on and off yung light brown spoting. niresitahan din ako duphaston and bedrest tapos pina TVS po ako. Good thing okay naman si babyy pati malkas din heartbeat nya. close din cervix ko. bka daw mga sobrang blood sya na natutulak or nilalabas. pero pinapainom padin ako duphaston 3x a day for 7days then bed rest.
same, sakin before mg around 6 weeks & 3 days ata yon, 1 day light brown spotting lang, after a week yung TVS ko non, okay naman si baby at good cardiac activity. Bedrest at duphaston naging kasangga ko for 2 weeks haha. 9 weeks & 3 days ako now. Wala pa sinabi si OB kung kailan next na ultrasound ko, pero ang next check up ko sakanya is sa ika 12 weeks ko na. 😊
Ako mi. Nahkaroon ako ng brown discharge ni nung 6weeks. Then dinugo ako ng 7 weeks as in dugo talaga lumabas. And nagpray lng talaga ako kay god na wag niya pabayaan baby ko sa loob. Now 4months na sia sa tummy ko. Pacheck up po kau agad pag may ganyan na lumabas sa inyo. Para mabigyan po kau ng pam pakapit. And always pray po.
Yes po mi. Until now. May pampakapit parin ako at bed rest parin. But not totally bed rest d gaya nung first tri na nasa kwarto lng talaga ako. Sobrang sakit nga sa bulsa kasi sobrang mahal nung pampakapit. Pero keri lng para kay baby.
pacheck ka agad and wag magkikilos... i had misacrriage last year din Aug. but got pregnant Dec. am on bed rest since January and until delivery na dae due to me being high risk..pls go to your OB or ER asap. so they assess you immediately.
Hello Momshie Rome, yes po. Had checked by my OB and binigyan ako pampakapit and ang isa is for cramps as needed. Naka bed rest din po ako. Ilang weeks na po kayo now momsh? Nakita na po ba si baby at heartbeat nya? Thank you po sa reply. ❤️
same case po..when im in 7weeks or 8 weeks of pregnancy..ngpacheckup na po agad ako..then reseta lang po si ob ng duphaston then bedrest ... Ngayon 3months napo ang baby ko at healthy naman po..
Wala na po akong bleeding mi. Bale 2 weeks ako nagbleed noon. Pero kahit wala na ung bleed naka pampakapit parin ako hanggang 5months.
naranasan ko din po yan ,8 weeks , neresetahan ako ng OB ko ng duphaston pampakapit after 2-3 days nawala na
15 weeks na po ako , opo meron cramps pero nawawala naman , ng tvs din ako my nakita minimal na pagdurugo sa loob ,nawala lang din .. ako di na pina bed rest tuloy pa rin work bsta wag lang masyadong magalaw .. praying po maging okay lahat 🙏
Baka possible iwan din yan sa implantation.. Pero mas maganda maresetahan kayo ng pampakapit
inform mo agad OB mo. baka nag oopen cervix mo..
Pinapa bed rest nya din po ako.
Tey