Hello, wrapped around placenta rin ang sa akin. Kagagaling ko lang kay OB, sabi niya dahil maaga ako nagpa-ultrasound, maliit pa rin si baby kaya 'yong placenta ay parang nakabalot pa sa kanya at wala pa rin siyang definite na pwesto (variable presentation) kasi nga malaki pa ang space na gagalawan niya, nakakaikot-ikot siya. Paglaki raw po ng bata mahihila/aangat rin ang placenta, at doon pa lang malalaman kung magiging alin sa mga sumusunod: Fundal, Anterior, Posterior or Placenta previa (itong huli raw po ang pinaka iniiwasan sa lahat). Don't worry daw po dahil malaki pa talaga ang chance na magbabago pa. 19 weeks lang din kasi ako in-ultrasound for gender. Ang aga.
Magbasa pa
Excited to become a mum