LBM while 10 weeks pregnant

Meron po ba ditong buntis na may diarrhea or lbm? 10 weeks pregnant na kasi ako at 10 days na din akong may lbm. Nagpacheck na ako ok naman ang fecalysis ko, no parasite or ova. Niresetahan ako ng erceflora pang 3rd day ko na pero parang wala namang effect. Watery talaga ang poops ko para akong umiihi pero di naman masakit sa tiyaj. Normal kaya to sa ibang mga nagbubuntis? #advicepls #1stimemom #pregnancy

10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako din nage-LBM pero di naman watery sakin. Wala ring nakitang ova o parasite sa fecalysis ko. Loperamide lang binigay saking gamot pero iinumin ko lang as needed. Pansin ko nagkakaganito yung dumi ko pag may iniinom na kong antibiotics for UTI pero itatanong ko na lang sa OB kung yun ba yung possible cause.

Magbasa pa
3y ago

Pwede pala loperamide sa buntis. Iba kasi nireseta sakin. Naka antibiotics din ako for uti nung nagstart ako mag lbm tapos naka vag. suppository din ako for infection pero 5 days na tapos yung medication ko pero may lbm pa din ako. Sabihan mo naman ako sis kung ano sabi ng OB mo if normal ba sa ibang nagbubuntis yung ganito. Salamat 😊

mga mommies try nyo tong erceflora isang beses lang akong uminom tumigail na yung 3days kong lbm.. meron sa carlos at mercury drugstore.. reseta sya sakin ng ob ko.. takot kasi ako magtake ng antobiotic and leoperamide. para lang syang tubig na iinumin mo..

Post reply image

Sabi po ni OB ko , mag ingat daw po sa mga kinakain especially kapag summer kasi madali daw masira ung mga pagkain. Inom po kayo ng hydrite para iwas dehydration..then observe nyo po baka sa tubig din po na iniinom nyo.

Ganyan din ako nung 2 mos ko na pagbubuntis. Loperamide ang reseta pero sinasabayan ko ng apple at bayabas para medyo tumigas na dumi. Effective naman

pag nag LbM Ako More Saging lang, yakult at pa unti unti inom ng Gatorade Color Blue at yung low fat sya, Sa awa ni Lord Gumagaling agad LBM ko.

yakult apple at banana lang inadvice ng ob ko. buti tumigas din tae ko agad. Tsaka oresol para d ako madehydrate

ako normal na sakin lbm momsh kasi wala na akong gallbladder. watery stool parati

VIP Member

baka sa kinakaen nyo na yan mamsh

drink lang ng pocari

VIP Member

yes natry ko yan

3y ago

Matagal din po ba yung lbm nyo? Ako kasi pang 12 days na today. Di naman gumaling sa erceflora. Mineral water na din ang iniinom ko pero ganun pa din.