Down Syndrome
Meron po ba dito sinabihan ng pedia na baka may DS si baby dahil lang sa itsura? 3weeks na baby ko and then premiee sya araw-araw napapraning ako kung may DS nga anak ko hindi ko kasi alam kung kakayanin kong tanggapin lalo't first baby ko. Tagal namin hinintay to ng mister ko. Parang ang sakit sakit kasi kung totoo man. Please sana may makasagot
Hello, meron po ba ditong same case ng anak ko 5years old. speech delay. kinakabahan ako naka appointment na sya by December 3 sa Developmental Ped. 5years old na sya pero nahihirapan pa sya maka compose ng sentence. may mga sentence naman sya na nacocompose english pero madalas hindi ko maintindihan yung sinasabi nya. nag reresponse naman sya kapag tinatanong sya, pero madalas response nya hindi ko maintindihan. madaldal sya. sumusunod naman sa mga utos, i mean nauutusan naman. kung minsan may tantrums. nag wawala sumisigaw ng napakalakas. Nag lulupasay. kinakabahan ako kung DS naba yon. 😭
Magbasa pamadalas po kasi sa face mhahalata na po if may down syndrome o wala.. ang susunod po na titignan ng doctor if may signs po like low set ears or ung tenga po pantay o mas mababa sa mata, diretso guhit sa palad, may heart murmur.. at ngpapalab test po sila. meron na po chromosome test na pwedeng mkpgconfirm ng down syndrome o hindi po
Magbasa pababy ko 10 days old today. at sinabihan na kami ng pedia na nakikitaan na sya ng pag ka down syndrome. sobrang sakit lalot 1st baby namin. wala naman sa lahi namin ng asawa ko ang may down syndrome, kaya di ko alam bat anak ko pa😭 gusto ko lang naman lumaki sya ng normal na bata, bat ganun mangyayare😔
Magbasa pamay DS na po ba ung baby nyo? kumusta po?