UTI

Meron po ba dito nakaranas magkaUTI while pregnant? Ano po experience nyo? And tips na rin po. Thank you.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Twice ako nagka-UTI while pregnant (1st and 2nd trimester, hopefully wala na ngayong 3rd 😂) kasi prone po talaga tayong mga preggy sa UTI. Nung unang trimester ko po, I did not follow my OB's advice. Medyo mababa lang kasi infection ko nun and nakinig ako sa mga nagsasabi sa app na magbuko na lang or cranberry juice and more water. Syempre mas gusto naman natin kasi diba na di magtake ng gamot, lalo na at buntis tayo. :) Nawala naman UTI ko. Pero ayun lang, it made things worse sa akin kasi nung 2nd trimester ko naman, bumalik UTI ko and mas malala yung infection ko kaya muntik pa ako magpreterm labor. Sabi ng OB ko if finollow ko yung advice nya na uminom ng antibiotic, di mangyayari yun kasi kahit mawala infection ko naturally, babalik din yun and mas malala pa kung sakali. Pang-maintenance lang daw po kasi kumbaga yung mga cranberry juice etc pero di talaga gamot to completely cure your UTI. Tips and advice: Follow your OB. She knows what's best for you. Iba-iba kasi tayo magbuntis. Sa iba, nawala UTI nila gamit lang yung natural ways but it doesn't mean na ganun din sayo, kaya if reresetahan ka ng gamot, sundin mo po.

Magbasa pa