hello po mga mamsh hingi lang payo struggling napo talga ako

meron po akong anak sa pagkadalaga babae 14 yrs old btw 32 napo ako at may anak na ulit na 11mons old,back story nabuntis ako 17 nahiwalay nagtrabaho kse sakitin tlaga ung 14yrsold ko dko msyado nagabayan pero kasama nmn mga parents ko,sobrang sakitin nia na halos sa ospital na talga kme nkatira ng tumungtong sya ng 5 tumigil ako magtrabho,palamunin nlng kumbga nagsimula akong maburyot,mairita at maging mainitin ang ulo dhilan nga e wala akong income npag bbuhatan ko ng kmay minsan si 14yr old lage ko nppaglitan,namumura lage ako naksigaw nkabulyaw wag nio ako ijudge pero tanggap ko nmn kse mali ako maling mali ako,ngaun napansin ko na parang natigas ulo nia at nallate ang development nung 7 na sya dko pinansin ung pagginfmg natigas ng ulo nia kase akala ko normal lang until nag 10 na sya sumasagot na lumalaban saken at tlagang nanlalaban na sya sumisigaw nagwawala nkapg asawa ako nung 10yrsold na sya maayos mabait at maunawain ang npangasawa ko mahal nia ang anak ko hanggang ito na 11 12 13 lalong naging matigas ang ulo nia sobrang bastos lumalaban sumagot minumura ako nag ddabog atlalabanan ka tlaga kpag pinalo mo sya ayagssigaw sya at hhingi ng tulong sa kapitbahy ssigaw yan sya ng TULONG TULONG SINSAKTAN AKO!!! TULUNGAN NIO KO TUMAWAG KAYO NG PULIS PAPATAYIN AKO!!!!! ganyan ang issigaw nia kaya dko na sinasaktan dhil nahhiya ako kaso hirap na hirap ako dahil dko sya mapasunod lahat ng ksama ko sa bahay sinasagot nia ng pabastos khit maayos nmn ang salita sa knya kpag dnia nagustuhan ang tono ng utos mo ay magddabog mag sasalita ng kung ano ano tulad ng sabhan ko lang na magsipilyo bago pumsok sa school ay nairita na sya ang sagot nia saken ganito"oo! dka makahintay!" sabe ko lang magsipilyo hindi ako sinunod kaya inulit ko"magsipilyo kna nakkhiya ppasok ka ang baho ng hininga mo buti kinakausap kpa ng kaklse mo" yan ang inulit ko lumabas sya ng nagddabog at nagsasalita bubulong bulong kaya nairita ako at namura ko sya habang nag aayos ng pangsipliyo nagsasalita sya nagddabog tinittigan ako ng masama habang nabulong"bwiset na buhay to biwist na bahay to! kaya gusto kona lumays dito nakka sira ng umaga mga tao dito"dko na pinansin at sabe ko lang ayusin mo yang mga sinasabe mo araw araw ganyan ang eksena sa bahay nmin ang byenna ko ay galit naden sa knya wala na pumapansin pero ganun paden ang araw araw na nangyyare samen ddabugan ka mmurahin bbulong kung ano ano sasabhin mga mima pa help ako panong approach paba ggawin ko sorry po ang haba na

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

There are 2 ways para mapasunod sayo ang isang tao: 1) Out of fear, and 2) out of Love and lRespect. Nung bata si eldest, nagagawa mo pa sya mapasunod through fear but eventually ay na-immune na rin sya kaya tumigas na. So yung Respect, dati ay nakuha mo rin by default by you being her mother pero nafeel nya siguro na hindi mo sya Love (with all the sigaw, bugbog, etc) so you lost that as well. Respect is not just given dahil magulang ka o matanda ka, that is earned as well. Aminado naman po kayo sa pagkukulang nyo, so sana ay willing rin kayo to make it right. Just as hindi overnight yung pagiging sutil ng anak nyo, hindi rin overnight kung gusto nyo sya magbago. And it should start from you. Sorry to say, pero para sa akin, based on your story, karma nyo yan dahil sa naging pagtrato nyo sa kanya before, at ngayon naaawa ako sa anak nyo dahil biktima lang sya ng wrong parenting. Kung baga, inaani nyo ngayon yung tinanim nyo, pero pati tuloy anak nyo ay nadamay. Ang payo ko po, subukan nyo muna kausapin nang masinsinan. Aminin at tanggapin sa kanya ang mga nakaraang pagkakamali nyo, humingi ng tawad at iparating sa kanya na nais nyo ayusin at bumawi sa mga naging pagkukulang nyo sa kanya. Tanungin nyo sya, bakit sya galit at kung ano ang pwede nyo gawin para tulungan sya? Sabay sundan nyo ng kilos at gawa. Iexpect nyo na irereject nya kayo at hindi makikinig lalo na adolescent stage na sya pero don't give up, show her your sincerity. Bilang kayo mismo ay naging ganyan, wika nyo nga-- buryot, mairita at mainitin ang ulo, dapat kayo ang unang nakakarelate sa pinagdadaanan ng anak nyo. Nagkaganon kayo kasi kanyo wala kayong income nun, eh paano pa kayo yung anak nyo na sa murang edad eh napagtitripan ng sarili nyang ina kahit wala syang ginagawang masama? Hindi ba kayo mabuburyot nun? Just because you stopped doing it, don't expect her to just be ok with it and go on like nothing happened. Ni minsan ba ay nagawa nyong mag-Sorry sa anak nyo? Then just when she thought na hindi nyo sya mahal, bigla kayo magmamahal ng iba, maga-asawa at anak pa? I'm not saying na mali ginawa nyong maging masaya, I'm just trying to show you the possible POV of your eldest. Kung mahal nyo anak nyo, kausapin sya at humingi ng tawad, alamin ano ang pwede nyo gawin para sa kanya. "Kill her with kindness", show her your sincerity. Or better yet, talk to a psychologist. Tanungin nyo ano ba dapat diskarte sa anak nyo, and if willing anak nyo to also talk to a psychologist, then even better.

Magbasa pa
Related Articles