Need advice
Meron ba sa inyo mga mommy na minamasama ng parents in-law ang pagbukod o pagsasarili nyo mag-asawa? Pader lang naman ang pagitan namin, hindi daw maganda apat nalang daw kami sa bahay bakit bubukod pa? Ang hirap lang kase mas gusto ko may privacy, yung feeling kase na hindi ka makakilos ng maayos. Kaya kadalasan umuuwi na lang ako sa amin sa kapatid ko. #advicepls #theasianparentph #1stimemom
Ang Mil ko nga biyuda na, mag-isa sa bahay nila. Kami ng LIP ko ikakasal na sa march at as of now andito kami sa parents ko kasi kakaanak ko lang. Pagkakasal namin, hindi ako titira sa MIL ko. Uupa kami ng bahay malapit skanya habang nagiipon ng pampagawa ng bahay. I have my reasons. Una, hindi kami OK. Hindi kami close. Mag jowa pa lang kami wala na kaming nakukuhang support from her kasi ang tingin nya sa bf ko ay retirement fund nya na ultimo personal nyang utang sa bf ko pinababayadan. Pangalawa, marami sya utang as in lending ba kabila kabila. Ayoko mastress kasi alam kong darating sa point kami na naman ang magbabayad. Pangatlo, pakielamera sya sa anak ko na para akong teenage mom na walang alam sa pag-aalaga ng bata. Samantalang noong buntis pa ako, never nya kinamusta ang baby namin at wala kaming natanggap na chat from her kundi pahingi, pabili at pautang. At sabi nya wag kami mag aanak kasi hindi sya magaalaga tapos ngayon biglang naging interesado. Pang-apat, I am the wife. Kaya naman ng asawa kong ibukod ako na hindi kami makikitira. Ako masusunod dapat. Gusto ko nakabukod ako, para mafeel kong isa na akong ganap na asawa at ina. Gusto ko may sarili akong place kasi kahit gaano pa kalaki ang bahay nya, at the end of the day, hindi pa rin un akin at wala akong say. Gusto kong masolo ang mag-ama ko at maalagaan ang pamilya ko ng naaayon sa gusto ko. Kung sasama ang loob nya maiintindihan ko. Pero sarili kong pamilya ang nakasalalay dito. Kasi totong pag hindi masaya si wife, hindi masaya ang life. So ayon, hndi ako titira sa bahay niya. Hindi ko kaya at hindi pwede. Baka maghapong mainit ang ulo ko. Hahaha. Pwedeng siya ang titira samin pag kailangan na, sya naman itong walang kasama at panggastos. And I thank you!
Magbasa paLambingin nyo nalang po in-laws nyo, maiintindihan naman po nila yon. Mas mag mamature po kasi pagsasama nyo mag asawa pag kayo lang dalawa. Saka pader lang naman po pala ang pagitan ii. Pwede nyo din po pakausap sa asawa nyo pero mas mainam po na kasama kayo pag umusap π
lahat nadadala sa mbuting usapan